• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCTA suportado ang mungkahing ‘wag gawing requirement ang pagsuot ng face shield sa sinehan

Suportado ng OCTA Research group ang mungkahi na huwag nang gawing requirement ang pagsusuot ng face shields sa loob ng mga sinehan.

 

 

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi makakapag-enjoy ang isang tao sa panonood ng pelikula sa loob ng sinehan kung oobligahin ang mga ito na magsuot ng face shield.

 

 

Sa katunayan, ang usapin na ito ay naungkat nga rin aniya sa Go Negosyo forum.

 

 

Tsaka, kung tutuusin, iginiit ni David na ang pinapayagan lang naman manood ng pelikula sa sinehan ay iyong mga fully vaccinated na.

 

 

Nauna nang inanunsyo ng pamahalaan ang reopening ng mga cinemas sa Metro Manila matapos na inilagay ang rehiyon sa Alert Level 3.

 

 

Pero, tanging ang mga fully vaccinated lamang na mga indibidwal ang papayagan sa 30 percent seating capacity ng mga sinehan.

 

 

Ayon sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) simula Nobyembre 10 ay magbubukas na ulit ang mga sinehan.

 

 

Kabilang sa mga protocols na kailangan ng mga papasok sa cinemas ay ang pagsuot ng face shields at face masks.

Other News
  • Malakanyang sa DENR, imbestigahan ang Masungi resorts

    TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang napaulat na “construction and expansion” ng resort facilities sa Upper Marikina Watershed sa Masungi Georeserve.     Ayon kay Acting presidential spokesperson Martin Andanar, dapat lamang na imbestigahan ng DENR ang di umano’y illegal quarrying at mining activities sa […]

  • BTS, pasok na sa 2022 Hall of Fame ng ‘Guinness World Record’ dahil sa naitalang 23 world records

    LAST September 2, in-announce ng Guinness World Records na ang K-pop superstars and Grammy nominees na BTS ay pasok na sa 2022 Hall of Fame dahil sa nagawa ng South Korean boy group na 23 world records.     “At the moment of writing the group holds a staggering 23 world records, making them one […]

  • Cray sasalang sa 9-track competitions

    Siyam na track and field competitions ang nakatakdang lahukan ni Fil-American trackster Eric Cray sa hangaring makakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Layunin ng six-time Southeast Asian Games gold medalist na makuha ang Olympic standard na 48.90 segundo sa men’s 400-meter hurdles.     Kasama sa mga torneong […]