• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ni-reveal ang couple tattoo sa kanilang mga kamay: BIANCA, ‘di nakatiis sa pangungulila kay RURU kaya nagpunta rin ng Seoul

HINDI talaga matiis ng dalawang Kapuso actresses ang kanilang mga partners. Ang mga ‘Running Man PH; mates na sina Mikael Daez at Ruru Madrid.

 

 

 

Nauna na si Megan Young ilang Linggo lang ang nakalilipas nang surpresahin nito ang asawang si Mikael at ‘di na matiis ang halos isang buwan nilang pagkakahiwalay. Pero dahil hindi pa tapos ang taping ng GMA-7’s ‘Running Man PH’, umuwi muna ito ng Pilipinas.

 

 

 

At dahil nag-last taping day na sila sa South Korea, signal na ito para magpunta sina Megan at Bianca Umali.

 

 

 

Bumalik si Megan sa South Korea at sa Instagram post ni Mikael, “Bonez and Fofo are back in action!!! As Running Man taping ends today, Boneezy flew over to Seoul once again so we can go our own samgyupsal adventures.”

 

 

 

Obviously, hindi na rin natiis ni Bianca ang tila pangungulila sa boyfriend. Kaya bago bumalik ng Pilipinas si Ruru, pinuntahan na rin ito ni Bianca sa Seoul at sa mga Instagram feeds nga nila, makikita ang sweetness ng dalawa.

 

 

 

Dito rin nila ni-reveal ang kanilang couple tattoo sa kanilang mga kamay.

 

 

 

***

 

 

 

NAGSISIMULA ng maramdaman ang bagong network, ang AMBS (Advanced Media Broadcasting System), ang pagmamay-ari ni dating Senator Manny Villar.

 

 

 

Ang popular na FM Radio station na K-Lite 103.5 since 1995 ang magiging flagship radio station ng AMBS and it will go live in its new home studio at Level 2 of Starmall Shaw Boulevard.

 

 

 

Kilala ang K-Lite 103.5 sa mga genre of rhythmic contemporary music hits from the 90’s up to present.

 

 

 

Ayon sa Chairman Manny ng Villar Group, “This marks the beginning of our venture into the entertainment business. We only look forward to recovery, especially after the pandemic and we hope to beable to help our fellow Filipinos through this venture particularly in generating jobs. I’m proud and grateful at the same time.”

 

 

 

Bukod sa mae-enjoy pa rin ng mga listeners ng OG funk ng 90’s vibe hanggang sa recent hits via 103.5FM on the radio at may live stream on Channel 3 of Planet Cable TV in parts of Mega Manila and Region 4 ng CALABARZON subscribers, followers around the world can stream via the webside klite103.5.com.ph or by downloading the Twitch app.

 

 

 

Maririnig din ang mga boses ng mga in-house disc jocks na sina DJ Jaybee at DJ Aly Esplana na isang newbie radio talent at certified streamer/gamer.

 

 

 

At siyempre, marami pang new surprises at bagong mapapakinggan at mai-stream sa flagship radio station ng AMBS.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Marcos Jr. suportado ang modernisasyon ng PCG

    TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportado ng kanyang administrasyon ang modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).     “As your leader, I assure you that this Administration will always be behind you, supportive of your efforts and initiatives to modernize the Philippine Coast Guard, which will redound to the better deli­very of […]

  • Carrasco panauhin sa 2021 Sports Summit

    Si Asian Regional Representative at Philippine Olympic Committee (POC) Technical Commission chairman Tom Carrasco ang magiging panauhin bukas ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa ika-12 sesyon ng National Sports Summit 2021.     Tatalakayin ni Carrasco, ang pangulo ng Southeast Asian Triathlon (SAT) at Triathlon Association of the Philippines (TRAP), ang ‘Main Support System […]

  • Nurses, health workers nagbanta ng mass resignation

    Nagbanta ang mga nurses at healthcare workers na magsasagawa ng ‘mass resignation’ kung patuloy na hindi nila matatanggap ang ‘special risk allowance’ mula sa Department of Health (DOH).     Ayon kay Filipino Nur­ses United (FNU) president Maristela Abenojar, tototohanin na ng mga nurses partikular sa mga pribadong pagamutan ang banta na mass resignation dahil […]