• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nierba sasakmal, pangil ng NU Lady Bulldogs

HANDA na ang National University Lady Bulldogs sa pagtrangka nina Jennifer Nierva at Ivy Lacsina sa UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament na nakatakda na sanang nagsimula nitong Sabado pero naatras sanhi nang panganib ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

 

Magiging lider na ang dalawang veteran volleybelle na nahasa na sa mga naging karanasan sa larangan ng ilang taon at nakasungkit na rin ng kampeonato nang nasa junior team pa lang sa liga.

 

May kislap ang rotation ng team ngayong taon, pero namemeligrong maudlot dahil sa pagliban ni setter Joyme Cagande sa ACL tear. Natengga na siya sa nakaraang edisyon sa high-grade ACL.

 

May butas man ang koponan, puwedeng pasakan nang nagbabalik na beteranang si Risa Sato bakanteng posisyon ni Roselyn Doria. Puntos din sa koponan ang Fil-Japanese middle blocker sa pagiging isang high-caliber player.

 

Bukod dito’y sariwa pa siya sa mga sinalihang volleyball club gaya ng BaliPure Purest Water Defenders at Creamline Cool Smashers sa nakaraang Nobyembre sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference.

 

“With the NU women’s volleyball team naman we’re very excited to play the second day of UAAP,” reaksyon ni NU assistant coach Regine Diego. “Na-experience na ng mga rookie namin last year iyong laro, so hopefully they play better now specially they have a 14th-man line-up.”

 

“Also we just want to enjoy this eh kasi hindi naman kami nag-eexpect a lot, kung saan kami abutin at kung saan iyong prinactice namin at naghanda – dun sana kami umabot,” wakas niya. (REC)

Other News
  • Bulacan nagbigay ng oryentasyon sa RA 10821 at basic sign language sa mga kawani at child development workers

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at National Disability Prevent and Rehabilitation (NDPR) Week, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office ng “Orientation on RA 10821 at Basic Sign Language” para sa mga empleyado, mga social worker at child development workers […]

  • Ads February 7, 2024

  • ‘Wag choosy sa bakuna – Malacañang

    Hindi maaaring mamili ng brand ng libreng bakuna ang mga magpapaturok, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na bagaman at may karapatan ang lahat upang magkaroon ng mabuting kalusugan pero hindi maaaring maging pihikan sa mga babakunahan.   “Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman […]