• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nietes muling aakyat sa ruwedang parisukat

PAGKALIPAS  nang  mahigit dalawang taong tengga sa banatan sanhi ng Coronavirus Disease 2019, muling papanhik sa ring si four-division world men’s professional boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes.

 

 

Isa ang Visayan fighter at dating ALA boxing stable member sa nilulutong  slugfest card sa Dubai, United Arab Emirates  sa parating na Abril 3 ng bago nilang promoter na MTK Global.

 

 

Huling nakipag-umbagan ang 38-taong-gulang, may taas na 5-3 at tubong Murcia Negros Occidental noong Disyembre 31, 2018 at nakaalpas via split decision win kay Kazuto Ioka ng Japan para iuwi ang World Boxing Organization (WBO) super-flyweight title.

 

 

Ang dati at kasalukluyan niyang kakuwadrang beteranong si Albert Pagara’y isasalang din sa nalalapit na boxing card.

 

 

Kapapanalo lang ni Pagara kay Virgil Puton noong Dis. Ng nakalipas na taon.

 

 

Ihahayag sa mga susunod na linggo ng MTKG  ang mga makakaupakan ng dalawang boksingerong Pinoy. (REC)

Other News
  • Halos 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Valenzuela

    HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.     Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong […]

  • Pilipinas, hindi kulelat sa buong Asean region

    PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng Covid-19 vaccines.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 ay pumapangalawa na aniya  ang bansa sa Asean […]

  • Pilipinas magpapadala ng 584 na atleta sa Hanoi SEA Games

    AABOT sa 584 na atleta ang ipapadala ng bansa na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa buwan ng Mayo.     Bukod pa dito ay mayroong 80 iba pa ang nasa appeals list na sasamahan sila ng 161 officials.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, […]