Nievarez planado na laban
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
BUO ang magiging balak ni Cris Nievarez sa kanyang laban sa pinandemyang 32nd Summer Olympic Games 2020 rowing men’s single sculls ngayong Biyernes ng umaga pa ang opening ceremonies sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang gabi sa Maynila).
“Ang goal lang naman is makalapit sa kung sino man ang magli-lead and try to sustain it kung kaya hanggang finish line,” salaysay Martes tapos ng praktis sa Sea Forest Waterway ng 21-anyos, 5-11 ang taas at isinilangsa Atimonan, Quezon.
Siya ang unang pambato ng bansa sa sa 19 na Olympian sa quadrennial sports meet sa Tokyo, Japan makaraang mag-qualify sa continental pick sa Asia Oceania Qualification Regatta sa Tokyo rin noong Mayo.
Lumanding si Nievarez na pangsiyam siya. Pero umangat sa pang-apat dahil sa pasok na sa Summer Games ang nasa pang-apat hanggang pangwalong rower sa Qualification. (REC)
-
DFA, pinasalamatan ang Qatar, Israel at Egypt sa pagpapalaya sa bihag ng Hamas
NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga gobyerno ng Qatar, Israel at Egypt para sa kanilang pagsisikap na nagdulot ng pagpapalaya sa isa pang Pilipino. Pinasalamatan ng DFA ang Estado ng Qatar sa pamamagitan ng pag-uusap na humantong sa pagpapalaya kay Noralin Babadilla, na nasa bihag ng Hamas sa […]
-
Sa kinagigiliwang segment ng ‘AOS’: TOM, ‘di nasagot ang tanong tungkol kay CARLA kaya nadismaya ang netizens
NAGBALIK na sa bahay nila ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ipinaalam nila ito sa pamamagitan ng vlog nila na “After All” na nasa 10th episode na. Nag-decide daw silang iwanan muna ang bahay nila, at lumipat sila sa kanilang condominium unit, nang pareho silang ubuhin, na inabot ng two weeks bago sila gumaling. […]
-
PDU30, walang alam na ang mga sinibak na immigration personnel na sangkot sa “pastillas scheme” ay hindi naalis sa puwesto kundi nananatili pa sa kanilang duty
WALANG alam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga Immigration personnel na sinibak nito sa puwesto dahil sa korapsyon ay nananatili pa rin sa government service. Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) araw ng Lunes, na sinibak niya ang 43 Immigration personnel na sangkot sa tinatawag na […]