Nilinaw na walang offer sa ibang network: JENNYLYN, happy sa pagiging Kapuso at naghihintay lang ng kontrata
- Published on July 20, 2024
- by @peoplesbalita
SI Jennylyn Mercado ang newest face ng Beautèderm’s Three-mendous Trio of Cristaux Serums.
Sa naganap na launch ni Jennylyn bilang bagong celebrity ambassador ng Beautederm na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche Tan, tinuldukan na ng Kapuso actress ang haka-haka at tsismis na lilipat siya o nagtangka siyang lumipat sa ABS-CBN.
Aminado naman na wala siyang existing na kontrata sa ngayon bilang Kapuso, hindi raw siya aalis sa GMA hangga’t gusto siya ng Kapuso Network.
Sambit ni Jennylyn, “Palagi naman akong Kapuso!
“Ang daming nag-aantay nung sagot… ako naman, twenty years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin.”
Inaayos na o under negotiation na raw ang bago niyang kontrata sa GMA.
“Meron pa ring nego-nego. Pero mabilis na lang po yan.
“We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako,” say pa ni Jennylyn na isa sa mga reyna ng GMA.
“Basta ganito, kung gusto pa rin nila akong Kapuso, happy pa rin akong maging Kapuso.
“Wala pong offer sa ibang network.”
Sa launch ay sinabi ni Ms. Rhea na mahalaga sa kanya ang magandang attitude ng isang celebrity sa mga kinukuha nilang endorsers.
“Napansin ko, ang bait ni Jen. Sumasabay siya sa mga staff na kumakain.
“Tapos siya ay bareface, walang makeup. Humaharap sa mga tao, kumakain siya sa pantry kasama yung mga staff.
“I did my research na napakabait niya talaga, at very good friend ko rin talaga si Tita Becky,” kuwento ni Ms. Rhea.
Inuulan ng blessing si Jennylyn dahil bukod sa bago niyang endorsement para sa Beautederm ay kasalukuyan silang nagpapatayo ng mister niyang si Dennis Trillo ng bagong bahay.
“Blessing iyan. Siyempre yung family house namin, yung tinitirhan namin ngayon ay bahay ko pa, yung wala pa akong asawa.
“Lumalaki na yung pamilya. So, kailangan na namin ng mas malaking shelter sa amin.
”May itinayo rin ang mag-asawa na bagong film outfit ang Brightburn.
“Yung production naman, iyon yung bago naming production, ang Brightburn Productions po. Magpo-produce na rin kami ng pelikula, series, ganyan.”
Partner nila dito ang management team ni Becky Aguila, ang Aguila Entertainment.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
2 FILIPINA NA BIKTIMA NG SURROGATE TRAFFICKING, NASABAT
NAPIGIL ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Filipina sa tangkang surrogacy trafficking sa Georgia matapo nasabat s Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Ang dalawang biktima na di pinangalanan ay n-recruit noong November 27 sa pamagitan ng Facebook ng isang online recruiter. Unaa silang nagpanggap na bibiyehe […]
-
AHENSIYA NG BI, NAKAKOLEKTA NG P5.9 BILYON SA KABILA NG PANDEMYA
SA kabila ng naranasang pandemya, ipinagmalaki ng Bureau of Immigration (BI) na nakakolekta pa rin ang ahensiya ng P5.9 bilyon noong 2020. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang kabuuang kinita nila noong nakaraang taon mula sa mga immigration fees at P5,88 bilyon , 36.1 % na mas mababa kumpara sa P9.3 […]
-
2 OFW INARESTO SA PAMEMEKE NG KANILANG EDAD
NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang dalawang Overseas Filipino Workers na patungo sana ng Jeddah dahil sa pamemeke ng kanilang edad. Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morent nina Travel Control and Enforcement Unit officers Maria Clarissa Bartolome at Kaypee Enebrad, pansamantalang hindi pinangalanan […]