NITAG, nagdesisyon na ibigay ang 400k bakunang Sinovac
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
NAGDESISYON na ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na ibigay ang pinakahuling donasyon ng China na 400,000 Sinovac sa mga medical health workers sa pinakaapektado ng new variants, kasama na ang NCR Plus, Cebu at Davao.
“Yan po ay impormasyon na ipinarating sa atin ni vaccine czar, Secretary Carlito Galvez,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sa lalong mabilis na panahon naman ani Sec.Roque ay ipamamahagi na ang nasabing bakuna.
“Iyong iba pang health workers natin ay magkaroon na ng kanilang bakuna. Karamihan pa rin po diyan ng 400,000 ay inilalaan natin sa NCR Plus. Hindi lang sa NCR, kasama ‘yung Bulacan, Laguna, Cavite,” aniya pa rin.
Aniya, tuluy-tuloy ang pagbabakuna lalo pa’t maraming lugar na ang naubusan ng bakuna.
“So, inaasahan po natin na sa lalong mabilis na panahon eh mauubos natin yang 400,000 na yan,” aniya pa rin.
Dumating noong Miyerkoles, Marso 24 sa Pilipinas ang dagdag na 400,000 doses ng COVID-19 vaccines ng Sinovac, na bahagi ng donasyon ng gobyerno ng China.
Pasado alas-7 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang eroplano ng Philippine Airlines lulan ang donasyong dagdag sa 600,000 Sinovac vaccines na unang dumating sa Pilipinas noong Pebrero 28.
Na-disinfect muna ang bakuna bago ibinaba ng eroplano.
Kasama sa mga sumalubong sina Health Secretary Francisco Duque, National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Sa isang pahayag, sinabi ni Duque na nagpapasalamat ang Pilipinas sa dagdag na bakunang donasyon.
Napapanahon aniya ang dating nito dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dinala muna ang bakuna sa cold storage facility sa Marikina.
Pag-uusapan sa Huwebes ng Interim National Immunization Technical Advisory Group kung saan ipapadala ang 400,000 doses ng bakuna.
Gusto ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ilaan ito sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases gaya ng Metro Manila, Cebu at Davao.
Sa kabuuan, nasa 1 milyon na ang bakunang na-donate ng China. (Daris Jose)
-
Bagyong Kristine, umabot na sa kategoryang Severe Tropical Storm
LUMAKAS pa ang bagyong Kristine at nasa kategoryang Severe Tropical Storm na ito. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 175 km East of Echague, Isabela. Ito ay may lakas ng hangin na umaabot sa 95 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 115 km/h. Kumikilos si Kristine pa Northwestward […]
-
Lim, iba pang karatekas gagawin lahat para makapasok sa Tokyo Olympics
Para kay national karateka Jamie Lim, ito na ang pinakahuling tsansa niyang makapaglaro sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan. Kaya naman lahat ay kanyang gagawin para manalo sa lalahukang Olympic qualifying tournament sa Hunyo sa Paris. “Everyone wants to be part of the Olympics, and this is really the last […]
-
‘Venom: Let There be Carnage’, Getting Delayed Once Again To a 2022 Release Date
Venom: Let There be Carnage has reportedly been delayed to a 2022 release date. The sequel to 2018’s Venom, which was a huge success at the box office despite poor reviews, Let There Be Carnage will see Tom Hardy return as the symbiote-afflicted Eddie Brock, this time facing off against Woody Harrelson’s Cletus Kasady/Carnage. Venom 2 also stars Michelle Williams, Naomie Harris, Reid […]