• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NLEX MAG-AABANG LANG KAY NIETTO

HANDANG maghintay ang North Luzon Expressway o NLEX kay Matt Nieto.

Ang 22-anyos na basketbolista ang third pick ng Road Warriors at isa sa kambal na panalpok ng Ateneo de Manila University, hinugot siya sa Gilas Pilipinas Special Draft -Philippine Basketball Associatiopn (PBA) Rookie Draft 2019.

NLEX ang pro team niya, pero magsisilbi muna sa national squad si Nieto, pati ang apat na iba pang kasama niya sa special draft. Pagkatapos ng tour of duty sa PH 5, saka pa lang sila makakapaglaro sa propesyonal na liga.

Top choice ng Terrafirma (dating Columbian) si Isaac Go, nambulaga ang Blackwater sa No. 2 nang tapikin si Rey Suerte ng University of the East. No. 4 ng Alaska Milk si Allyn Bulanadi ng San Sebastian College, puminid ang round nang kalabitin ng Rain or Shine sa No. 5 ang kambal ni Matt na si Mike.

“Si Matt Nieto obvious naman (kung bakit kinuha),” komento kahapon sa people’s BALITA ni Road Warriors coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.

Magkakakampi sa ADMU Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP)  sina Go, Matt at Mike. Kasama si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, importanteng piyesa sila sa three-peat championship ng koponan noong 2017-2019 sa liga.

“Alam natin siya ‘yung isa sa mga leader ng Ateneo na nag-champion,” dagdag ng NLEX bench strategist. “Maganda ‘yung background niya, maganda ‘yung upbringing n’ya not only as a player but as a person. Ako nakakasigurado ako na makakadagdag din ‘yan sa team namin.” (REC) 

Other News
  • Gobyerno, transparent sa human rights situation ng Pilipinas

    BUKAS ang gobyerno ng Pilipinas na pag-usapan ang situwasyon ng karapatang-pantao sa bansa.     At ito’y may sapat na kakayahan para tugunan ang mga paglabag.     Ito ang sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Undersecretary Paul Gutierrez kasabay ng pagtatapos ng 10-day visit ng United Nations (UN) Special […]

  • Umaming nagtampo kay Boy kaya nag-apologize ang TV host: BEA, ‘di na maaatim na makipagkaibigan pa kay GERALD tulad kay ZANJOE

    HINDI nga maaatim pa ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na makipagkaibigan sa dati niyang boyfriend na si Gerald Anderson na nag-ghosting sa kanya.     Sa naging panayam kay Bea ng King of Talk para sa newest Kapuso show na “Fast Talk With Boy Abunda” last Thursday, January 26, nabanggit nga ni Kuya […]

  • Ads December 17, 2021