No. 14 top most wanted person ng Malabon, kalaboso
- Published on January 31, 2022
- by @peoplesbalita
SINILBIHAN ng mga awtoridad ng warrant of arrest ang isang 18-anyos na tinaguriang No. 14 top most wanted person ng Malabon City habang nakapiit sa Malabon Police Station Custodial Facility makaraang masangkot sa panggugulo at makuhanan ng patalim.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado na si Aaron Jerry Orlino, 18 at residente ng E-3 Brgy., Longos.
Ayon kay Col. Barot, unang naaresto ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa pamumuno ni PLT Mark Cyrus Santos si Orlino dahil sa paglabag sa Alarm and Scandal at BP 6 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines noong January 24, 2022 dakong alas-12:05 ng hating gabi sa Maya Maya St., Brgy. Longos.
Dito, napag-alaman ng pulisya na may warrant of arrest si Orlino na dalawang Attempted Murder at isang Frustrated Murder kaya’t nasa No. 14 TMWP siya ng lungsod.
Dakong alas-8:15 ng gabi nang isilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa ilalim ng pangangasiwa ni PEMS Gilbert Bansil at SS-5 sa pangunguna ni PLT Santos, kasama ang 4th MFC, RMFB-NCRPO ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Presiding Judge Rosario Gomez Inez-Pinzon ng RTC Branch 290, Malabon City noong December 15, 2021 para sa kasong Attempted Murder at Frustrated Murder kontra sa akusado sa Malabon Police Custodial Facility na may i-nirekomendang piyansa na Php. 200,000 at Php 72,000 respectively.
At warrant of arrest na inisyu naman ni Hon. Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Laylo, Family Court Branch 4, Malabon City noong July 12, 2021 para sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na Php.120,000. (Richard Mesa)
-
DUTERTE PINAKIUSAPAN SA PAGBABALIK-SABONG
INAPELA ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin na ang gamefowl industry o cockfighting sa mga general community quarantine na lugar sa kapuluan. Sang-ayon kamakalawa kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, lumiham siya sa Punong Ehekutibo upang makiusap na payagan na ang mga pasabong na Malaki ang makakatulong sa pagbibigay ng […]
-
Kaligtasan muna, ayon sa mga pyro manufacturer dealers
UPANG mapanatiling sariwa sa kaisipan ng mga stakeholder ang safety practices sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi at tamang paggamit ng mga produktong paputok, nagsagawa ng seminar ang Philippine Pyrotechnics Manufacturer Dealers Association Inc. kasama ang Philippine National Police Civil Security Group-Firearms and Explosive Office sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan. Kailangan […]
-
Creamline diretso sa Finals
MULING humataw si opposite spiker Tots Carlos para buhatin ang Creamline sa 23-25, 25-19, 25-18, 25-15 pananaig sa Choco Mucho at angkinin ang finals berth ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa Mall of Asia Arena. Nakalikom ang dating University of the Philippines standout ng 23 points kabilang ang 19 attacks […]