• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 19 most wanted person ng NCRPO nalambat ng NPD sa Zambales

NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 19 most wanted person ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanyang pinagtataguan lugar sa Zambales City, Miyerkules ng gabi.

 

 

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Jonard Manalo, 27, tubong Malabon City at residente ng Purok 6, Magsaysay Castillejos Zambales.

 

 

Base sa report ni PLTCOl Dimaandal kay NPD Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, ang pagkakaaresto kay Manalo ay resulta ng Intelligence research at pinaigting na operation kontra most wanted person sa pamamagitan ng patnubay at matibay na pamumuno ni NPD Director PBGEN Hidalgo Jr, matapos ang natanggap nilang impormassyon mula QCDIT-RIU hinggil sa pinagtataguan ng akusado.

 

 

Agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni PLT Melito Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Dimaandal, kasama ang QCDIT-RIU, Zambales PIT-RIU3, RID NCRPO, Valenzuela CPS, Castillejos MPS, Zambales at DID-QCPD saka ikinasa ang joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10 ng gabi sa kahabaan ng National High-way Brgy. San Juan, Castillejos, Zambales City.

 

 

Ayon kay DSOU investigator PCPL Josefino DC Estacio II, ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 23, 2021 ni Hon. Judge Evangeline Mendoza Francisco ng Valenzuela City RTC Branch 170 para sa kasong Robbery with Homicide na walang inirekomendang piyansa.

 

 

Ani PLT Pabon, hinoldap ng akusado ang lola ng kanyang girlfriend na nangyari ang insidente noong 2020 sa Doña Elena St., Punturin, Valenzuela City subalit, nanlaban umano ang biktima kaya’t pinatay ito ng suspek. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ilang motorista, maagang nagpagasolina bago pumatak ang panibago na namang big-time oil price hike

    ILANG oras pa bago pumatak ang panibagong oil price hike na ipapatupad ngayong linggo ay maaga nang pumila ang ilan sa ating mga kababayang tsuper ng mga pribado at pampublikong transportasyon.     Batay kasi sa inilabas na abiso ng mga oil companies, papalo sa Php2.15 ang itataas ng presyo sa kada litro ng gasolina, […]

  • Anak na si Christophe, recording artist na… Relasyon nina GLADYS at CHRISTOPHER, maituturing na inspirasyon

    SA mga hindi nakakaalam ay matagal nang magkaibigan sina  Vice Ganda at Gladys Reyes.  Ito ang kuwento ni Vice nang dumalo siya sa 20th wedding anniversary nina Gladys at ng asawang si Christopher Roxas. Ayon kay Vice baguhan pa lang daw siya noon sa showbiz ay madalas daw ay magkasama sila ng Gladys sa mga […]

  • Federer nakatakdang isubasta ang mga personal na gamit nito

    Nakatakdang isubasta ni tennis star Roger Federer ang ilang mga personal na gamit nito.     Sinabi ng 20-times Grand Slam champion na bukod sa mga ginamit nito sa tennis ay mabibili rin ng kaniyang mga fans ang ilang personal na gamit nito.     Gaganapin ang live auction sa Hunyo 23 na mayroon lamang […]