• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 3 most wanted person ng Navotas, timbog sa Bataan

Isang puganti na nagtago nang halos sampung taon dahil sa pagpatay sa kanyang kapitbahay sa Navotas city ang tuluyan nang naaresto ng pulisya sa isang liblib na lugar sa probinsya ng Bataan.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Roberto Jiongco, Jr. alyas “Jeje”, 32, welder at residinte ng ibinigay niyang address sa Barangay Mountain View, Mariveles, Bataan.

 

 

Si Jiongco ay itinuturing na No. 3 Most Wanted Person ng Navotas matapos mapatay nito si Marlon Ramirez noong April 17, 2010 makaraang pagsasaksakin sa iba’t-ibang parte ng katawan habang naglalakad pauwi.

 

 

Isang warrant of arrest kontra sa akusado ang inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Zaldy Docena ng Branch 170 matapos siyang tumakas mula sa lungsod makaraan ang pagpatay.

 

 

Sinabi ni Col. Balasabas na ang pagkakaaresto kay Jiongco ay nresulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operation na isinagawa ng mga operatiba ng Intelligence Unit sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr.

 

 

Nadakip si Jiongco ng mga tauhan ng Navotas police sa Rodriguez St. Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan dakong 3:30 ng hapon. (Richard Mesa)

Other News
  • Gilas pool isa-isa nang pumapasok sa bubble

    Dumating na ang u­nang batch ng Gilas Pilipinas pool na sasailalim sa puspusang training camp sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.   Unang pumasok sa bubble sina Isaac Go, Calvin Oftana at Kemark Cariño kasama si assistant coach Andrei Tolentino.   Nasa bubble na rin […]

  • ‘Black Adam’ Images Give New Look At The Rock’s DC Anti-Hero & JSA

    NEW Black Adam images provide fresh looks at Dwayne Johnson’s anti-hero and the Justice Society of America members in the DC Extended Universe movie.   Serving as a spinoff of 2019’s Shazam!, the upcoming DCEU film will tell an origin story for Black Adam, once a slave from Kahndaq who is granted powers by the […]

  • Ayaw nang itago kaya ipinagsigawan na… KLEA, matapang na inamin na gay at may rainbow heart

    NAG-OUT na nga ang Kapuso star at StarStruck 6 winner na si Klea Pineda.     Sa kanyang Instagram sa mismong kaarawan niya (March 19), proud na in-announce ng AraBella star na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.     Ayaw na raw itago ni Klea kung ano talaga siya at ipagsisigawan pa raw niya ito. […]