• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 3 most wanted person ng NPD, nadakma ng Valenzuela police sa Pasay

WALANG kawala ang 29-anyos na lalaki na tinaguriang No. 3 most wanted sa Northern Police District (NPD) matapos madakma sa ikinasang manhunt operation ng mga tauhan ng Valenzuela police sa Pasay City.

 

 

Kinilala ni P/Lt. Robin Santos, hepe ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong akusado na si Nelvin Aure ng Anville Subdivision, Barangay Maysan, Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Santos, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan ng akusado sa Pasay City kaya agad siyang bumuo ng team saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Aure sa Arnaiz St., Libertad dakong alas-10 ng umaga.

 

 

Si Aure ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Robbery na inisyu ni Judge Emma Matammu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 269 ng Valenzuela City noong December 20, 2021 na may P100,000 bail.

 

 

Ani Santos, si Aure ang isa sa dalawang suspects sa insidente ng robbery hold-up sa isang industrial company sa Canumay West, Valenzuela City noong nakaraang December.

 

 

Sa ulat ng pulisya, umabot sa kabuuang P198,000 cash na para sa payroll, at mga personal gadget ang nakuha sa mga empleyado ng kumpanya. (Richard Mesa)

Other News
  • COMELEC, MAGDARAOS NG SUMMIT

    MAGDARAOS ng tatlong araw na  Election Summit ang Commission on Election (Comelec) at kanilang mga stakeholders sa Enero 2023.     Layon ng kauna-unahang summit na mapagbuti ang pagdaraos ng halalan sa bansa, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.     Sinabi ni Garcia na nakipag kapit-bisig ang  Comelec sa lahat ng civil society organizations,  […]

  • ‘The Matrix Resurrections’ Is Officially Rated R for “Violence And Some Language”

    DIRECTOR Lana Wachowski doesn’t appear to be in any mood to tone down her sensibilities; The Matrix Resurrections is officially rated R for “violence and some language,” according to a new bulletin issued by the Motion Picture Association.     This shouldn’t come as a surprise, considering that each of the three previous films in the franchise — The Matrix, The […]

  • Pacquiao, ‘pinaka-best fighter’ na nakalaban ko – Mayweather

    Itinuturing ni retired US boxing champion na si Floyd Mayweather Jr. na si Senator Manny Pacquiao ang pinaka-best fighter na kanyang nakalaban sa loob ng 21 taon niyang career.     Kung maalala kabilang sa mga boxing legend na nakaharap na ni Mayweather ay sina De La Hoya, Canelo Alvarez, Juan Manuel Marquez, Miguel Cotto, […]