• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P25 MILYON HALAGA NG SMUGGLED FOOD PRODUCTS, NASAMSAM

TINATAYANG mahigit sa P25 milyon halaga ng food items kabilang ang mga frozen peking ducks sa kabila ng ito ay ipinagbabawal dahil sa banta sa bird flu ang nasAmsam ng pinagsamang puwersa ng Bureau of Custom  (BoC) at National Bureau  of Investigation (NBI) sa isang warehouse sa Brgy Anunas, Angeles City, Pampanga.

 

Dakong alas-12:30 ng Huwebes  nang isinagawa ang pagsalakay s a isang warehouse ng pangkat ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI – SAU ) at ang the Philippine Coast Guard (PCG).

 

Ang ginawang pagsalakay ay bunsod sa isang Letter of Authority (LOA) No. no. 06-10-041-2020  at  Mission Order (MO) no. 06-10-2020- 086 na insiyu ng Commissioner ng BOC at isinilbi sa isang Jimgold M. Tan, ang representative ng warehouse.

 

Bago ang isinagawang operasyon ay nauna nang nakipag-coordiate ang grupo sa Barangay na nakakasakop at Philippine National Police (PNP.

 

Nasamsam ng grupo ang mga soy sauce, oil, at mga  frozen food products kabilang ang Peking duck, fish balls, squid balls, vegetables, pork meat, at iba pa sa loob ng warehouse at s ainisyal na imbentaryo sa mga produkto ay umaabot sa 1,149 boxes, at sa bawat isa ay may 10 ulo ng peking ducks na nagkakahalaga ng P23 milyon habang ang ibang frozen product ay nagkakahalaga ng P2 milyon.

 

Pinaniniwalaan na ang nasabing mga produkto ay smuggled sa ibang bansa dahi sa ipinapairal na ban sa pag-iimport ng poultry product bukod dito ang United States, Canada at Australia at kinakailangan na ang nasabing mga produkto ay dapat na pumasa sa panuntunan at pagsusuri ng Custom at iba pang regulatory government agencies (Gene Adsuara)

 

Other News
  • YORME ISKO NAKALABAS NA NG OSPITAL

    NAKALABAS na ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ang kanyang sampung araw na quarantine.     Ang alkalde ay dinala sa Sta. Ana Hospital  dahil nagpositibo sa COVID-19 kung saan nakaramdam ng mga sintomas tulad ng sipon, ubo at pananakit ng katawan.     Sa ika-limang araw nito sa ospital, nawalan ito […]

  • BAGONG CAMANAVA TRAINING CENTER PINASINAYAAN SA NAVOTAS

    Mas maraming Navoteños ang mabibigyan ng access sa libreng technical and vocational education kasunod ng inagurasyon ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute bilang bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) satellite office at training center sa Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela (CaMaNaVa) area.     Pinangunahan ni TESDA Director General, Sec. Isidro […]

  • Torralba nagpaturok na

    IBINUNYAG ni virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 aspirant Joshua Torralba na naturukan na siya laban para sa Coronavirus Disease-19 sa Estados Unidos.     “I actually got the vaccine so I’m more safe,” bulalas ng Rio Grande Volley Vipers trainer at dating manlalaro ng Makati Super Crunch sa Maharlika Pilipinas Basketball League […]