No. 6 top most wanted person ng Zamboanga City, nalambat ng NPD sa Pasay
- Published on January 25, 2022
- by @peoplesbalita
NATIMBOG ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa isinagawang manhunt operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City ang No. 6 top most wanted person ng Zamboanga City dahil sa kasong Rape.
Ayon kay DSOU chief PLt. Col. Jay Dimaandal, ang pagkakaaresto kay Crisostomo Amotan, 37, warehouse man at stay-in sa Block 45, Ortigas St., Baclaran Pasay City ay resulta ng Intelligence research and intensified manhunt operation kontra sa mga wanted person.
Ani police investigator PMSg Julius Mabasa, nakatanggap ang DSOU ng impormasyon na nakita ang akusado sa naturang lugar kung saan siya nagtatrabaho bilang warehouse man kaya agad nag-dispatch ng mga tauhan ang DSOU upang alamin ang ulat.
Nang positibo ang ulat, bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon saka isinagawa ang operation, kasama ang NDIT- RIU NCR, 4th MFC RMFB, Sindangan Municipal Police Station Zamboanga City, at Pasay City Police na nagresulta sa pagkakaaresto kay Amotan dakong 6 ng gabi sa Block 45 Ortigas St., Baclaran, Pasay City.
Si Amotan ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jose Rene Dondoyano, Presiding Judge ng RTC Branch 11 Sindangan Zamboanga Del Norte dahil sa kasong Rape na may petsang July 14, 2020 at walang i-nirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay sa pamamagitan ng patnubay at matatag na pamumuno ni NDP Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr, para maalis ang lahat ng uri ng lawlessness, illegal activities ng criminal gang at paigtingin ang manhunt kontra sa mga most wanted person. (Richard Mesa)
-
P3 MILYON SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA QUIAPO
TINATAYANG halos P3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at pagkakaaresto ng tatlong indibidwal sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quiapo, Maynila. Nakuha sa mga suspek ang nasa 500 gramo ngh hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos 3 milyong piso. Nakilala ang mga suspek na sina Fatima Ampatuac, Jamila […]
-
Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals tinunghayan ng 6.9 milyong viewers
KABUUANG 6.9 milyong viewers ang tumunghay sa ‘winner-take-all’ Game Seven ng San Miguel at TNT Tropang Giga sa 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo. Bukod pa ito sa 15,195 live audience na sumugod sa Smart Araneta Coliseum para personal na saksihan ang 119-97 pagsibak ng Beermen sa Tropang Giga sa nasabing laro. […]
-
Pinay karateka Jamie Lim, naghahanda na sa Olympic qualifier
Patuloy ang ginagawang paghahanda ni Filipina karateka Jamie Lim para sa Olympic qualification tournament. Isa kasi si Lim sa nanguna noong nakaraang Southeast Asian Games na nanguna sa womens +61 kg. kumite para makuha ang gold medals. Nakatakda sana lumahaok sana si Lim at ibang mga Filipino karatekas sa world Olympic qualifying tournament […]