P3 MILYON SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA QUIAPO
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
TINATAYANG halos P3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at pagkakaaresto ng tatlong indibidwal sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quiapo, Maynila.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 500 gramo ngh hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos 3 milyong piso.
Nakilala ang mga suspek na sina Fatima Ampatuac, Jamila Mapandi at Abul Mapandi .
Sa inisyal na impormasyon,pinangunahan ng PDEA Regional Office 3 ang nasabing operasyon laban sa mga suspek.
Nauna rito, hindi umano natuloy ang nakatakda sanang transaksyon noong nakaraang linggo kung saan mula sa San Fernando Pampanga ay dinala sa Maynila ang abutan ng illegal na droga.
Dakong alas-1:00 ng tanghali nang maaresto ang mga suspek sa bahagi ng Raon sa Quiapo.
Nakuha rin sa mga suspek ang isang libong pisong buy bust money kasama ang 2 milyong pisong boodle money na ginamit para malambat ang mga suspek.
Nakatakda namang dalhin sa PDEA headquarters ang mga naarestong suspek. (GENE ADSUARA)
-
Ads August 10, 2022
-
Roger Federer, nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes
Nangibabaw sa unang pagkakataon si tennis superstar Roger Federer sa listahan ng mga highest-paid athletes ng Forbes business magazine ngayong taon. Sa datos ng Forbes, kumita si Federer ng $106.3-milyon kung saan $100-milyon ang mula sa appearance fees at endorsement deals, habang ang $6.3-milyon ay galing sa premyo sa nilahukang mga torneyo. Sumegunda […]
-
P1 milyon swak sa PAGCOR Bingo
LIMPAK ang cash prizes sa mga tumatangkilik sa bingo sa ikalawang pagdaraos ng “P1K for P1M” PAGCOR-wide linked bingo game sa darating na Pebrero 22, sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel, Ermita, Maynila. Matapos ang matagumpay na unang yugto ng programa nitong Enero 25, magbabalik ang pinakahihintay na laro ng sambayanan […]