No. 7 top most wanted person ng NPD, nalambat sa Malabon
- Published on December 21, 2023
- by @peoplesbalita
BINITBIT sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang No. 7 top most wanted person sa Northern Police District (NPD) matapos madakip sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalaqa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado bilang si alyas “Beejay”, 41, construction worker, residente ng Brgy., Tugatog at nakatala naman bilang No. 8 Top MWP ng Malabon City.
Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Jo-Ivan Balberona na nakita ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.
Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni PCMS Edwin Castilo,kasama ang 4th MFC RMFB-NCRPO saka nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:35 ng hapon sa P. Concepcion St., Brgy. Tugatog.
Ayon kay Maj. Balberona, pinosasan ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon City Regional Trial Court, Branch 170 Presiding Judge Zaldy Balagat Docena noong December 7, 2023 para paglabag sa B.P. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) in Rel. to COMELEC Reso. No. 10918 Sec. 261(Q ) atSec. 28(A) in Rel. to Sec. 28(E) of R.A. 10591.
Pinuri naman ni BGen Gapas ang Malabon police sa kanilang matagumpay na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakakulong sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)
-
Pinoy imports sa Japan pro league, ‘excited’ na sa All-Star game ng B.League sa Jan. 14
Pormal nang inanunsiyo ngayon ng B.League sa bansang Japan ang mga lalahok sa All-Star Festivities sa Okinawa, Japan sa Enero ng susunod na taon. Kabilang sa tampok sa All-star game ang nakatakdang paglalaro ng kasalukuyang walong mga Pinoy basketball players bilang bahagi ng Asian imports sa Japan’s professional league. Haharapin ng […]
-
SHARON, umaming ‘devastated’ sa pinagdaraanan at humihiling na ipagdasal
WORRIED ang mga friends at fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa Instagram post niya na devastated daw siya ngayon. Ayon kay Sharon, “Rarely has my faith in our Almighty God ever wavered.. But now, sadly, as I am only human after all, it is wavering…I am devastated. And forgive me if I cannot […]
-
Angel Canino debut sa La Salle, nagpasiklab
Agad nagpasikat si De La Salle University rookie Angel Canino sa kanyang unang laro sa UAAP women’s division na tamang tama sa hype na nakapaligid sa kanya. Kumamada ang batang open spiker ng 18 puntos sa kanyang unang laro para sa Lady Spikers, kung saan kanilang dinaig ang University of Santo Tomas (UST), 25-20, […]