• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 9 top most wanted person ng Valenzuela, arestado

HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong robbery matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Aerol”, 23 ng Francisco St., Brgy, Gen T De Leon na nasa No. 9 Top MWP ng Valenzuela City.

 

 

Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 2 na madalas umanong makita ang presensiya ng akusado sa Brgy. Lingunan.

 

 

Bumuo ng team si SS2 Commander P/Cpt. Selwyn Villanueva saka ikinasa nila ang intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto kay Aerol dakong alas-12:10 ng medaling araw sa Meyland Village, Phase 5, Brgy. Lingunan.

 

 

Ani Cpt. Villanueva, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 noong Nobyembre 16, 2023 para sa kasong Robbery na may nirekomendang piyansa na P100,000 para sa pansamantala niyang paglaya.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang ilalabas na commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Other News
  • DepEd: ‘Halaga ng mga nasirang learning materials dahil kay Ulysses, nasa halos P17-M’

    Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umabot sa nasa P16.8-milyon ang halaga ng mga learning materials na nasira sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.   Sa isang situation report, sinabi ng DepEd na halos 400,000 learning materials, na karamihan ay nanggaling sa Bicol region, ang nasira bunsod ng bagyo.   Maliban sa Bicol, […]

  • Ugnayan ng Pinas-Saudi , pinagtibay nina PBBM at Saudi Foreign Minister

    MULING pinagtibay nina Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. at Prince Faisal bin Farhan Al Saud, Minister of Foreign Affairs ng  Saudi Arabia ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia.     Mainit na tinanggap ng Pangulo si Prince Faisal sa Malakanyang nang mag-courtesy call ang huli.     Naka-upload sa official Facebook page ng State-run Radio […]

  • Gobyerno, hindi iiwanan ang mga taong apektado ng Bulkang Kanlaon-PBBM

    “NANDITO po ang inyong pamahalaan na handang tumulong sa inyo”.       Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamayan na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.     “Kung gaano man katindi ang bangis ng bulkang ito, ganun din ang kalinga na aming ipapaabot,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo. […]