• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘No CCTV, no business permit policy’ dapat ipatupad ng LGUs sa mga establisyemento – DILG

HINIMOK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magpasa ng ordinansa para iobliga ang mga business establishment na mag-install ng closed-circuit television (CCTV) systems bago ang isyuhan ng business permits o ang “No CCTV, no business permit policy.”

 

 

Partikular na tinukoy ng DILG na dapat na ipatupad ang naturang polisiya sa mga establisyemento na may malaking bilang ng mga customers na nasa risk at hazard-prone.

 

 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang concurrent chairperson din ng National Peace and Order Council na kasabay ng muling pagbabalik ng mga tao sa kanilang pre-pandemic ways, mahalagang iprayoridad ng mga LGU ang kaligtasan ng publiko at ang CCTVs ay isang pamamaraan na magagamit ng mga LGU para tiyakin ang seguridad ng publiko, maiwasan ang anumang krimen at matukoy at mahuli ang mga perpetrators.

 

 

Ilan aniya sa mga establisyemento na kailangang maglagay ng CCTV ay ang financial establishments gaya ng bangko, pawnshops, money lenders, at money remittance services at business establishments na may mga branches gaya ng shopping malls, shopping centers, supermarkets, wet markets at medical facilities tulad ng hospitals, clinics at laboratories at iba pang business establishments.

Other News
  • Flattered na tawagin na bagong ‘Horror Queen’ BEAUTY, willing na i-donate ang sinuot na antique necklace sa National Museum

    MINSAN nang naintriga si Beauty Gonzalez dahil sa sinuot niyang antique necklace.  Pero sa mediacon ng ‘Kampon,’ sinabi ni Beauty na willing siya na i-donate sa National Museum ang mga gold jewelry na isinuot niya sa GMA Gala 2023 na naging kontrobersyal. Sa Metro Manila Film Festival 2023 official entry ang ‘Kampon’ kung saan ay […]

  • Ads February 29, 2020

  • Team ‘Pinas plantsado partisipasyon sa SEAG

    PLANTSADO na ang lahat para sa maayos na partisipasyon ng Team Philippines sa nalalapit na 32nd Southeast Asian Games na gagawin sa unang pagkakataon sa Cambodia sa Mayo 6-17, ayon kay Chief of Mission Chito Loyzaga.   “All preparations are in place. Aside sa malillit na problema lalo na mga technical handbook which is understandable […]