NO CONTACT APPREHENSION at si MODEL na NANAKIT ng ENFORCER
- Published on June 7, 2021
- by @peoplesbalita
Umani ng napakaraming batikos at bashing mula sa netizens ang babaeng modelo na nahuli na “beating the red light” at nanakit ng enforcer. Napagalaman pa diumano na drug courier ang babae at wala talagang rason para saktan niya ang enforcer at pagbantaan pa.
Ganitong mga klaseng sitwasyon ang ilan sa nais masolusyunan ng no-contact apprehension ng mga traffic violators. Iwas ang komprontasyon ng motorista at traffic enforcer.
Bawas kotong at sa panahon ngayon ay mas maiiwasan ang physical contact at face-to-face. Kung may no contact cctv sa lugar sa pinangyarihan ay huli si ate ng camera. Yun nga lang matagal pa bago malaman ng sinasabing boyfriend niya na syang mayari ng sasakyan ang violation at baka siya pa ang magbayad ng multa.
Sa ngayon ay tatlong LGU pa lamang at ang MMDA ang nagpapatupad ng no-contact apprehension kaya lang ay iba-iba ang halaga ng multa at ang proseso. Kaya sa amin sa Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP), bagama’t suportado namin ang pagpapatupad ng no-contact apprehension ng mga traffic violators kailangan ay may due process mechanism upang makasiguro na ang mismong driver na syang violator ang mapagmulta.
Tulad ni ate sa viral video, kung sa no-contact ang huli niya hindi siya naparusahan sa driving without license at malamang hindi lumabas ang pangalan niya dahil ang registered owner ang magmumulta. Sa ngayon ay ito ang iniiyak ng maraming operators ng public transport.
Daan-daan libong piso ang kanilang binabayarang multa dahil sa mga violations ng kanilang mga drivers. Dapat sana ay sa pagpapatupad ng no-contact apprehension ay madisiplina ang mga pasaway na drivers.
Pero mukhang nalulusutan nila ang butas sa implementasyong ng polisiyang ito. Alam din natin ang nais din ng mga LGU na huwag mabalewala ang pagbabayad ng multa ng mga violators kayat inaalarma nila ang mga sasakyan sa LTO. Pero hindi ang sasakyan ang violator kundi ang driver. Ang lisensya dapat ng driver ang mai-alarma sa LTO.
Kailangan mabalanse ang lahat ng panig sa pagsasabatas ng isang no-contact apprehension ng mga traffic violations upang maging matagumpay ito hindi lamang sa perang maaring kitain sa mga multa kundi pati sa mas mahalagang layunin na mapanatili ang disiplina sa ating mga lansangan at maparusahan ang mga pasaway ng drivers.
Para sa ganun ay napapatupad ang mga batas trapiko ng patas at nasusunod ang mga ito kahit wala ang mga enforcers na tagahuli. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)
-
SUSPEK SA PAGKAMATAY NI DACERA, INIREKOMENDANG SAMPAHAN NG NBI
INIREREKOMENDA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng mga kasong criminal laban sa mga suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Inihain ng NBI ang kasong may kinalaman sa illegal drugs, perjury, obstruction of justice, reckless imrpudence resulting to homicide, falsification of official document by a public officer […]
-
‘Contempt of court’ sa nagbabanta sa mga huwes – SC
NAGBABALA ang Supreme Court na kakasuhan nila ng ‘contempt of court’ ang mga nagbabanta ng karahasan laban sa mga huwes sa bansa. Sa pahayag na inilabas ng SC Public Information Office, tinalakay ng court en banc ang mga posibleng aksyon sa mga pahayag na inilabas ni dating National Task Force to End Local […]
-
“Freedom is not only a privilege but a responsibility to fight for it” – Romualdez
CITY OF MALOLOS – “Freedom is not only a privilege but a responsibility to fight for it. We, as Filipinos in the new generation, have responsibilities to continue the fight for freedom.” This was the message of House Speaker and Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin G. Romualdez during the commemoration of the […]