• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No-Contact Apprehension Policy (NCAP), imbestigahan

NAGHAIN ng resolusyon ang isang mambabatas para paimbestigahan ang kontrobersiyal na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinatutupad sa may limang siyudad sa Metro Manila.

 

 

Sa House Resolution No. 237, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na importanteng masiguro na nababantayan ang karapatan at kapakanan ng mga motorista laban sa posibleng pang-aabuso sa implementasyon ng NCAP, kabilang na ang sobra at hindi resonableng multa at parusa.

 

 

“Our sense is, in their haste to deploy the NCAP to build revenue from traffic fines, cities are haphazardly rolling out the technology at the expense of motorists,” pahayag ni Rillo, vice-chairperson ng House committee on Metro Manila development.

 

 

Inaasahan ng mambabatas na magtutuloy ang imbestigasyon ng Kamara kahit magpalabas ang Supreme Court ng injunction laban sa NCAP.

 

 

“We are also worried that motorists may be wrongfully burdened – not by the cost of violating traffic laws, rules and regulations – but by the cost of the technologies used in the NCAP,” dagdag ni Rillo.

 

 

Apat na transport groups ang naghain ng petisyon para hilingin sa korte na ipatigil at ideklarang unconstitutional ang polisiya sa paglalagay ng video surveillance at digital cameras para mahuli at maparusahan ang mga lumalabag sa batas trapiko.

 

 

“The House inquiry will identify and resolve all the issues surrounding the NCAP,” anang mambabatas.

 

 

Bukod sa Metro Manila Development Authority, ang siyudad ng Manila, Muntinlupa, Parañaque, Quezon, at Valenzuela ay nagpapatupad ng NCAP.

 

 

Lumagda na rin ang lungsod ng San Juan sa kasunduan para sa pagpapatupad ng NCAP simula ngayong buwan. (Ara Romero)

Other News
  • 3 minors, 4 pa arestado sa droga sa Caloocan

    Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong menor-de-edad na narescue ng mga awtoridad sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 10:50 ng gabi, nagsasagawa ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-station 2 ng Oplan Galugad sa Raja Soliman St. Brgy. 37 nang isang […]

  • Iiwasan na lang kung sakaling nagkita sila… CLAUDINE, itinangging siya ang dahilan kung bakit wala si JODI sa tribute para kay Mr. M

    ITINANGGI ni Claudine Barretto ang isyung siya raw ang dahilan kung bakit wala si Jodi Sta.Maria sa ginanap na tribute para kay Mr. Johnny Manahan.   Paliwanag ni Claudine na wala raw talaga siyang kinalaman sa hindi pagsipot ng kapwa niya mga alaga dati ni Mr. M. Ayon pa rin sa aktres na kilalang very […]

  • Philippine Pediatric Society, may paalala sa mga magulang ukol sa iba pang bakuna na kinakailangan ng mga bata

    PINAALALAHANAN ng Philippine Pediatric Society ang mga magulang na huwag ding kalimutang paturukan ng iba pang kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak.     Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy ngayon na vaccination effort ng gobyerno para sa mga batang 5 to 11yo.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Chairman […]