• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION PENALTY, IPATAW sa DRIVER!

Maganda at napapanahong ipatupad ang No-Contact-Traffic Apprehension upang mabawasan ang pangongotong sa lansangan at face-to-face ng enforcer at driver.  Inaasahang nadidisiplina nang husto ang mga driver dahil kahit walang tagahuli ay makukunan ang violator gamit ang mga cctv at digital cameras.

 

 

Kung paniniwalaan ang mga datos ng MMDA at LGUs na nagpapatupad ng no-contact-apprehension ay libu-libong pasaway na drivers na dapat ang nahuli at natikitan. Mas madidisiplina na ang mga drivers lalo sa hanay ng public transport. Pero para maging mas matagumpay ang no-contact laban sa mga traffic violators may mga ilang “due process mechanism” ang dapat ipatupad.

 

 

Pag wala ito ay madalas hindi yung driver ang namumultahan kundi ang may ari ng sasakyan na walang kasalanan.

 

 

Ito ang hinaing ng mga operators lalo na ng mga taxis at buses.  Sa no-contact apprehension ang nakukunan ng cctv o digicam ay ang plate number ng sasakyan. Ido-dobol check kung sino ang registered owner ng sasakyan at sa address niya ipadadala ang notice of violation.   Wala sanang problema kung ang may-ari ng sasakyan mismo ang nagmamaneho.   Ang problema ay paano kung iba ang driver. At madalas yan ang nangyayari sa public transport. Hindi ang operator/registered owner ang nagmamaneho ng sasakyan nung nahulit ito.  Pag natanggap na ng registered owner ang summons o notice of violation ay required siya na ibigay ang pangalan ng driver na siyang nagmamaneho ng nakunan ng violation.   Kung siya yun o kaya naman ay kahit sino yung driver at binayaran ang multa, walang problema.  Pero kapag hindi binayaran ang multa ang sasakyan ay naka alarma sa LTO ibig sabihin ay may “Outstanding Penalty to Pay” ang may-ari ng sasakyan.

 

 

At pag hindi nagbayad ay hindi mapaparehistro ang sasakyan. Ang malimit na problema ay sa tagal dumating ang notice of violation sa operator ay umaalis na ang driver at iniiwanan ang operator ng libu-libong unpaid na no-contact penalty.  Ang iba ay umaabot sa isang daang libo kada driver!

 

 

Pero di ba at bilang operator ay dapat under ng control at supervision nila ang driver. Tama. Pero yan ay kapag franchise violation tulad ng refusal to convey passenger or overcharging na ang pataw ng multa ay sa operator. Pero pag traffic violation sa driver lang dapat dahil siya nagmamaneho. Lisensya ang hinihingi pag traffic violation at hindi franchise certificate.  E bakit ayaw i hold ng operator yung driver?  Yan ang problema dahil malimit ay wala na yun driver at tsaka pa dadating ang notice of violation.  Kaya kung may ganyang problema ano ang maaring gawin?

 

 

Karapatan ng LGU ang magpasa ng ordinansa at magpatupad ng no-contact-apprehension. Pero marahil kapag nalaman nila ang ganitong problema ay maaring magkaroon ng win-win situation kung maiaayos.

 

 

Una ay kailangan na mabilis-bilis naman malaman ng operator ang notice of violation para ang driver ay nasa poder pa nila.   Importante rin na magbigay ang mga operator ng listahan ng kanilang mga driver. Sa LTFRB ay may sistemang ganito kung saan isina-submit ang pangalan ng mga drivers. Obligasyon ng operator na kaagad ipagbigay alam kung sino ang driver na may violation.  Kung hindi niya maibibigay ay ang operator ang multahan hindi bilang traffic violator kung hindi for none submission of driver’s name  “within the period prescribed”. Kung na submit na ang pangalan ng driver hindi na kailangan i-alarma pa ang sasakyan sa LTO.  Ang dapat i-suspend ay lisensya kung hindi magbabayad ang driver. Pero may pangbayad ba naman ang driver?  Paano na ang dapat kitain ng mga LGU?  Ang paniwala natin ay ang no-contact apprehension ay ipinatutupad para disiplinahin ang mga driver at maiwasan ang kotongan. Hindi dapat isyu ang pagkakakitaan lalo kung ang pera ay galing sa tao na walang kasalanan.

 

 

Ganumpaman ay maaring makaisip ng paraan para ma-proteksyunan din ang interes ng mga LGU.  At sa usaping ito nararapat marahil na magkaroon ng isang batas para sa no-contact-apprehension. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • DOTr: “No vax, no ride” sa NCR ipatutupad

    Simula sa susunod na linggo, ang mga pasaherong walang bakuna ay hindi na papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon habang ang Department of Transportation (DOTr) ay magpapatupad ng “no vaccine, no ride” na polisia sa National Capital Region (NCR).       Nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade noong nakarang Martes ang isang Department […]

  • Kasama ang 11 entertainment personalities: HEART, hinirang bilang isa sa Asia’s Most Influential ng lifestyle magazine

    HINIRANG bilang isa sa Asia’s Most Influential ng Tatler Asia Magazine ang global fashion icon na si Heart Evangelista.     Na-unveil ang list sa naganap na Tatler Ball 2023 sa Shangri-La The Fort noong nakaraang November 20.     Kasama ni Heart sa list ay sina John Lloyd Cruz, Anne Curtis, Dolly De Leon, Erwan […]

  • RIDER ARESTADO SA SHABU SA VALENZUELA

    BAGSAK sa kulungan ang isang rider matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis sa quarantine control point dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 at Art. 151 of RPC ang […]