No garage, no car’ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong
- Published on September 3, 2022
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay Villanueva, ito ay para matigil ang pag-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.
Sa Senate Bill 925 o “No garage, no car” bill, paiiralin ito sa Metro Manila at mga siyudad na Angeles, Baguio, Bacolod, Batangas, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo at Olongapo.
Sa mga nasabing lugar, pagbabawalan ng LTO na irehistro ang sasakyan na walang pruweba na may garahe o parking.
Kapag inirehistro ang sasakyan ng walang parking ay papatawan ng tatlong buwan na suspension at walang suweldo ang sinumang kawani o opisyal ng LTO.
Habang ang motorista na magsisinungaling sa LTO na may parking space ay pagmumultahin ng P50,000 sa bawat paglabag at sususpindihin ang lisensya ng tatlong taon gayundin ang rehistrasyon ng bawat sasakyan.
Paliwanag ng majority leader, sinabi ng Japan International Coordination Agency (JICA) na nasa P3.5 milyon ang nawawalang oportunidad kada araw sa Metro Manila noong 2017 dahil sa traffic at aabot ito sa P5.4 bilyon kapag hindi inaksyunan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Siya pa rin ang nag-iisang brand ambassador ng ‘Beautederm Home’… MARIAN, ayaw pag-usapan ang ‘dream house’ nila ni DINGDONG dahil isi-share din ‘pag tapos na
SI Marian Rivera-Dantes pa rin ang nag-iisa at official brand ambassador ng Beautéderm Home sa muling pagre-renew ng Kapuso Primetime Queen ng kanyang partnership sa Beautederm for another 30 months. Nagkaroon nga ng grand celebration of love and friendship sina Marian at Rhea Anicoche-Tan, ang President and CEO, na kung saan nag-marka na […]
-
Director Sam Raimi Reveals How Multiverse of Madness Will Change Doctor Strange
DIRECTOR Sam Raimi teases how Doctor Strange in the Multiverse of Madness will change Benedict Cumberbatch’s hero. Marvel Studios’ next film is just two weeks away from hitting theaters. Doctor Strange 2 is finally debuting after being delayed multiple times over the course of the coronavirus pandemic; there was once a time it was set to premiere in […]
-
Traditional jeepneys balik kalsada ngayon
Balik kalsada ang may humigit kumulang na 6,002 na traditional jeepneys ngayong araw ng Biyernes matapos ang tatlong buwang pagkahinto ng operasyon nito. Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang partial operation ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa mga piling lugar sa National Capital Region (NCR). Binuksan ng LTFRB […]