• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Traditional jeepneys balik kalsada ngayon

Balik kalsada ang may humigit kumulang na 6,002 na traditional jeepneys ngayong araw ng Biyernes matapos ang tatlong buwang pagkahinto ng operasyon nito.

 

Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang partial operation ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa mga piling lugar sa National Capital Region (NCR).

 

Binuksan ng LTFRB ang may 49 na routes sa Metro Manila upang simulan nila ang kanilang operasyon.

 

Ang mga piling routes ay sa Novaliches, Valenzuela, Malabon, Monumento, Cubao, Marikina, Pasig, Quezon City, Pateros, Makati, Manila, Caloocan, Mandaluyong, at Alabang.

 

Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2020-026, ang traditional jeepneys ay papayagan nang bumalik sa kalsada habang may general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

 

“They will be given corresponding QR codes that will be displayed on their units to serve as special permits for their operations,” wika ng LTFRB.

 

Ang mga traditional jeepneys na mga “roadworthy” ang papayagang muling makabalik sa kanilang operasyon. Kinakailangan din na sumunod sila sa mga safety measures katulad ng checking ng temperature ng pasahero, pagsuot ng mask at gloves at ang pagkakaroon lamang ng 50 percent seating capacity upang magkaroon ng social distancing.

 

Hinihikayat din ang mga drivers na maglagay ng fare drop box upang  mabasa nang physical contact sa mga pasahero.

 

Ang mga pasahero ay kailangan din mag-fill out ng passenger contact forms para sa contact tracing ng mga pasahero.

 

Mananatili namang P9 ang pamasahe sa unang apat na kilometro at P1.50 sasusunod ng kadakilometro.

 

Samantala, balik kalsada na din ang may 980 units na UV Express sa kanilan goperasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya noong Lunes matapos ang tatlong buwan pagkahinto ng kanilang operasyon.

 

Mayroon 47 routes ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal papuntang Metro Manila.

 

Ayon sa LTFRB, ang operasyon ng UV Express ay mahigpit naipapatupad ang terminal-to-terminal basis para sa pick up at drop off ng pasahero. Hindi rin sila papayagan ng dumaan ng EDSA at Commonwealth Avenue sa Quezon City.

 

“UV Express operators and drivers should comply with strict guidelines with the resumption of their operations,” wika ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

 

Dapat din sundin ang iba pang provisions na nasasaad sa guidelines tulad ng regular examination ng mga drivers upang malaman kung sila ay may magandang kalusugan at ang pagsusuot ng masks at gloves sa lahat ng oras.

 

Habang ang mga pasahero naman ay kinakailangan din magsuot ng face masks at dapat ay may eksatong pamasahe ang ibabayad bago pa man sumakay upang mabawasan ang personal transactions.

 

Kinakailangan din na ang isang pasahero ay mag- fill-out ng forms na gagamitin sa contact tracing. Kailangan din na may mga barriers na ilalagay sa pagitan ng driver at pasahero.

 

Diniin ng LTFRB na walang mangyayaring pagtaas ng pamasahe at ito ay mananatiling P2 kada kilometro kahit na limited ang passenger capacity nito dahil sa pagpapatupad ng social distancing. (LASACMAR)

Other News
  • PASOK na sa semi-final round ng Frenh Open tennis si Spanish tennis star Rafael Nadal

    PASOK na sa semi-final round ng Frenh Open tennis si Spanish tennis star Rafael Nadal matapos malusutan ang tinaguriang long-time rival nito na si Novak Djokovic sa quarterfinals.     Naging matindi ang harapan dalawa kung saan hindi nakaporma ang Serbian tennis star sa score na 2-6, 6-4, 2-6, 6(4)- 7(7).     Sa unang […]

  • Na-challenge sa role ni former Pres. Ferdinand Marcos: CESAR, binigyan lang ng seven days para makapaghanda

    LAST Sunday, July 17, isinagawa na ng Viva Films ang mediacon ng Maid in Malacanang” na dinirek ng controversial young director na si Darryl Yap sa Manila Hotel.     Dinaluhan ito ng cast ng movie na sina Cesar Montano as President Ferdinand Edralin Marcos, Ruffa Gutierrez as Mrs. Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee […]

  • Ads February 22, 2020