No such thing as COVID-19 vaccination exemption cards- Nograles
- Published on January 24, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI magpapalabas ang pamahalaan ng COVID-19 vaccination exemption cards na naglalayong payagan ang mga hindi bakunadong indibiuwal laban sa coronavirus na lumabas ng kanilang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na surge ng kaso.
Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles habang ipinatutupad sa Kalakhang Maynila ang “No Vax, No Ride policy” na naglilimita sa paggamit ng public transportation para sa fully vaccinated individuals at iyong mga unvaccinated o partially vaccinated ay magkakaroon ng access sa essential goods at services.
Umapela si Nograles sa publiko na huwag i- entertain ang mga indibidwal na pagala-gala at nag-aalok ng COVID-19 vaccination exemption cards.
Ang nasabing cards ay sinasabing naglalayong i-exempt ang mga unvaccinated na manatili sa kanilang bahay at payagan ang mga ito na sumakay sa mga public transportation.”
“Hindi po totoo. Wala pong ganoon. No document like this is being issued by government,” aniya pa rin.
“Maliban sa peke, hindi po ito nakakatulong sa ating laban kontra COVID-19,” dagdag na pahayag ni Nograles.
Kaya ang panawagan ni Nograles sa publiko ay kaagad na isumbong sa mga awtoridad ang kahit na sinumang indibidwal na mag-aalok ng card sa kanila.
“Agad makipag-ugnayan sa mga otoridad sa inyong lugar at isuplong ang ganitong gawain. Pwede rin pong tumawag sa hotling 8888 para isumbong ang ipinagbabawal na gawaing ito,” ayon kay Nograles.
Sa halip na maghintay o maghanap ng exemption card, hinikayat ni Nograles ang unvaccinated population na magpabakuna, tiniyak niya sa mga ito na ang lahat ng bakuna na ituturok ay ligtas.
“Ito ang alok sa inyo ng inyong pamahalaan: Libreng bakuna laban COVID-19,” diing pahayag ni Nograles.
“Dito ka na sa totoo. Dito ka na sa ligtas, epektibo, at libreng bakuna anuman ang brand ng mga ito,” dagdag na pahayag nito.
-
Veteran journo Dindo Amparo, nanumpa bilang hepe ng PBS-BBS
OPISYAL nang nanumpa ang veteran broadcast journalist na si Fernando Sanga, mas kilala bilang Dindo Amparo, bilang bagong director general ng Presidential Broadcast Service – Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS). Nanumpa si Sanga sa harap ni Communications Secretary Cesar Chavez sa isinagawang turnover ng liderato ni outgoing PBS-BBS chief Rizal Giovanni Aportadera, Miyerkules […]
-
Pukpukan na sa UAAP 2nd round
PAPASOK na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round. Kaya naman inaasahang mas magiging matinding bakbakan ang masisilayan dahil unahan na ang lahat ng teams para makapasok sa Final Four. Magsisimula ang second round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa […]
-
JERICHO, ‘di napigilang matawa nang makita ang paper dolls ng dating karelasyon na si HEART
HINDI napigilan ni Jericho Rosales na matawa nang makita niya ang paper dolls nila ng dating karelasyon na si Heart Evangelista. Sa Instagram stories ni Jericho, biglq itong nag-flashback noong makikita ang koleksiyon ng kanyang kaibigan, kung saan kasama ang paper dolls nila ni Heart. Naka-tag din si Heart sa stories ni […]