“No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya.
Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan sa publiko na‘wag nang magpatumpik tumpik pa o mag-alinlangan sa mga bakuna dahil hindi naman ito ibibigay kung hindi napatunayang ligtas at epektibo.
Sa kabilang dako, naniniwala naman si Cabsec Nograles na tumataas na ang kumpyansa ng publiko sa bakuna.
Maliban sa mga medical health workers tulad ng mga nurse at doktor maging ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang naunang mabakunahan ay wala namang major adverse effect ang naitala.
Samantala, umaapela si CabSec Nograles sa publiko na sa oras na dumating na ang kanilang panahon para magpabakuna ay buong puso nila itong tanggapin upang magkaroon ng proteksyon mula sa Covid-19. (Daris Jose)
-
Ads November 25, 2021
-
Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K
HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko […]
-
NCR, inilagay sa ilalim ng Alert Level 3
INAPRUBAHAN nang Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na ilagay ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 3 simula Oktubre 16, 2021 hanggang Oktubre 31, 2021. Inaprubahan naman ng IATF na ilagay ang Apayao, Kalinga, Batanes, Bulacan, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna, at Naga City para sa Luzon; at Zamboanga City at […]