• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Noche buena meat products may taas presyo – DTI

ASAHAN na ng mga mamimili ang pagtaas sa noche Buena meat pro­ducts dahil sa 15%-20% na itinaas sa production cost ng meat processors, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong Lunes.

 

 

Ito’y matapos maki­pagpulong ang DTI sa mga meat processors bilang paghahanda na rin sa dara­ting na holiday season.

 

 

Nilinaw ng DTI na ‘very minimal’ lang ang ipinatong na dagdag sa presyo ng meat products tulad ng iba’t-ibang klase ng hamon.

 

 

Ito aniya ay nasa hanggang 4% lang naman dahil hangarin din ng meat processors na maging masaya ang mga Pilipino na makapaghanda ng inaasam nila gaya ng hamon.

 

 

“Hindi lahat ng hamon ay tumaas based sa aming pag-monitor. Hindi naman. ‘Yun ang nakita namin, kinolekta namin yung manufacturers’ SRP, at hindi naman talaga lahat nagtaas,” paliwanag ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco sa isang public briefing.

 

 

Payo ni Pacheco sa mamimili na alamin sa ila­labas nilang Noche Buena guide upang maikumpa­ra ang mga presyo ng iba’t ibang produkto para mapagplanuhan na ang bibilhin bago pa magtungo sa grocery o supermarket.

 

 

Isusunod naman ng DTI ang pakikipagpulong sa iba pang manufacturer ng Noche Buena items.

Other News
  • Ads January 5, 2023

  • Clinical trial ng lagundi kontra COVID-19 sinimulan na – DOST

    NAGSIMULA na ang clinical trial ng lagundi na maaaring maging gamot kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon sa Department of Science and Technology (DOST).   ‘Yung sa lagundi po, ito po ay nagsisimula na,” ani DOST Philippine Council for Health Research Development executive director Dr. Jaime Montoya.   “Nakapag-screen na sila ng mahigit 150 na pasyente. […]

  • John 1:14

    The word became flesh and made his dwelling among us.