• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nominasyon sa PH Sports Hall of Fame, simula na

MAY tsansa ang lahat ng mga Pilipino maipakita ang suporta sa kanilang mga iniidolo sa sports sa pagsumite ng kanilang nominasyon para maipakita at maisama sa kasaysayan ang kanilang iniambag na kabayanihan sa taong 1924 hanggang 1994 sa sunod na tatlong buwan simula nitong Marso 1.

 

Binuksan na nang Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) Review and Evaluation Committee ang proseso para sa nominasyon, ang unang parte ng pilian sa mga pambansang atleta na posibleng makasali sa ikaapat na batch ng iluluklok sa Sports Hall of Fame ng bansa bago matapos ang taon.

 

Nasa Republic Act No. 8757 o ang PSHOF Act, na bukas ang nominasyon para sa mga dating amateur at professional athlete at coach/trainer na nagbigay ng malaking distinksiyon, dangal at karangalan sa bansa sa kanilang piniling sport.

 

Ang 2020 selection committee, na pinamumunuan ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, na sinundan ang mga nakaraang komite na magbigay lang ng kabuuang 10 inductee kada dalawang taon.
Napagkaisahan sa unang miting ng selection committee na itakda ang pagsisimula ng nominasyon sa Marso 1 at matatapos sa Mayo 31.

 

“We recognize the valuable knowledge of our sports chroniclers when it comes to this, so we will ask for their help,” sabi ng sports agency chief sa miting. (REC)

Other News
  • GAB, nag-post ng mala-thirst trap photo na resulta ng extensive workout; dumaan noon sa mental health breakdown

    NAG–POST ng mala-thirst trap na photo si Gab Valenciano na kinainteresan ng maraming netizen sa social media.     Nagpakita si Gab ng naging resulta ng kanyang extensive workout mula July hanggang September 2021. Kitang-kita ang six-pack abs niya sa kanyang body transformation.     Bahagi raw ito ng kanyang malaking pagbabago para mabalanse niya […]

  • DOJ: Pinaliwanag ang kanilang posisyon sa CDE-LTO requirement

    ISANG undersecretary ng Department of Justice (DOJ) ang nagbigay ng paglilinaw ukol sa kanilang posisyon sa pagbibigay ng karagdagang requirement ng Land Transportation Office (LTO) sa renewal ng license.     Sinabi ni DOJ undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na ang LTO ay maaari mag impose ng karagdagan requirements para sa pagbibigay ng driver’s license.     […]

  • GISING SA MGA ABUSADO

    “Mali ang ginawa, pero totoo ang mga sinabi niya.”   Ito ang karamihang reaksiyon sa halos sampung oras na hostage-taking sa isang mall sa Greenhills, San Juan nitong nakalipas na araw na kinasangkutan ng isang security guard.   Sa social media mas marami ang umayon sa kanyang panig, sumasalamin siya ngayon sa mayorya ng mahihirap […]