NON-MANILA RESIDENTS, PUWEDENG MAKAKUHA NG ANTI-COVID DRUGS SA MAYNILA
- Published on January 11, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na maari ring makakuha ng Anti-Covid drugs sa pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga non-Manila residents .
Ayon sa alkalde, may sapat na suplay ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at Molnupiravir ang Manila LGU na kasalukuyang kailangan dahil sa paglobo ng kaso ng Covid-19.
“Sa ating mga kababayan na naghahanap ng gamot, welcome po kayo sa Maynila. Ang importante, mabuhay ‘yung tao, mailigtas yung tao, kahit sino pa siya. Sa Maynila, walang mayaman, walang middle class, walang mahirap. Lahat pantay-pantay. They can avail these medicines. Basta mabuhay lang ‘yung tao,” ayon kay Domagoso.
Nitong nagdaang ilang araw ay abala ang mga kawani ng city government na mamahagi ng kahon-kahong Molnupiravir sa mga nangangailangan dahil ito ay unang oral antiviral drug na sinasabing nakakabawas sa peligro ng pagkakaospital at pagkamatay ng COVID patients ng 50%.
Pinipigilan din nito ang banayad hanggang katamtamang mga kaso ng COVID-19 mula sa pag-unlad sa malubhang sakit sa kondisyon na ang gamot ay iniinom sa unang limang araw ng impeksyon.
Aabot sa 40,000 capsules ng Molnupiravir ang binili ng Manila LGU at idiniliver sa Sta. Ana Hospital noong November.
Ayon kay Domagoso, may panibagong delivery ng Molnupiravir ang inaasahang darating sa katapusan ng January dahil sa mataas na demand para sa gamot sa gitna ng bagong surge ng COVID cases.
“All they have to do is coordinate sa ating Manila Health Department or dun sa mga pinopost naming numero, tawagan lang nila at idedeliver natin at i-eextend natin yung mga gamot laban sa Covid-19. Reseta lang talaga kailangan. Kasi we could not dispense without the prescription,” paalala pa ni Domagoso. GENE ADSUARA
-
Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG
HIHILINGIN ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus […]
-
Kabilang na sa A-list celebrity endorsers ng ‘Beautederm’: JENNYLYN, walang kaarte-arte at mabait kaya puring-puri ni RHEA
IBANG-IBA ang glow ng Beautéderm founder na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ngayon, na nagdiriwang ng 15 years sa skincare at wellness industry. Tampok sa kanyang speech ang timeless legacy ng kanyang brand na ine-endorse ng top celebrities at influencers. Sa nasabing selebrasyon last July 18, ipinakilala rin […]
-
DIRECT SUNLIGHT, WALANG EBIDENSIYA NA NAKAMAMATAY NG CORONA VIRUS
WALA pang ebidensya na ang “direct sunlight” ay nakamamatay ng virus ng coronavirus disease. Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, sa umano’y muling paggamit ng mga surgical mask matapos itong ibilad sa araw upang mamatay umano ang virus. “Wala pang ebidensya na nakakapagbigay sa atin kung ito ba ay naapektuhan […]