• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Non-uniformed policemen, ipapakalat ng Philippine National Police para sa papalapit na holiday season

NAKATAKDANG  magpakalat ng non-uniformed policemen ang Philippine National Police sa mga matataong lugar tulad ng divisoria, tiangge, plaza at iba pa bilang bahagi ng pagpapanatili sa seguridad lalo na ngayong papalapit na ang holiday season.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito ay bukod pa sa itatalagang kapulisan sa mga police assistance desk sa iba’t ibang lugar.

 

 

Aniya, ang naturang non-uniformed policemen na ipapakalat ng pambansang pulisya ay mga pulis na nakasuot ng civilian na ihahalo sa mga tao para mag-obserba sakaling mayroon mang mamataang mga indibidwal may kakaibang ikinikilos.

 

 

Ang mga ito aniya ang magrereport ng mga insidente sa mga unipormadong mga pulis upang agad itong maaksyunan at upang hindi na rin aniya mabuking ang mga intel operative na ipinakalat ng pulisya.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay muli ring nagbigay babala sa publiko si Fajardo hinggil naman sa naglipanang mga modus ng mapagsamantalang loob ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

 

 

Aniya, dapat na mas mag-ingat ngayon ang publiko dahil sa inaasahang mas maraming mananamantalang manloloko at magnanakaw ngayon lalo na’t ito ang panahon ng bigayan ng christmas bonus ng mga empleyado.

 

 

Kabilang sa mga modus na dapat bantayan ay ang mga naglipanang fake money modus, palit-pera modus, basag-kotse modus, at marami pang iba.

 

 

Dahil dito ay muling nagpaalala ang tagapagsalita ng pambansang pulisya sa palaging pagiging mapagmatyag, at gayundin ang pag-iwas sa pagsasapubliko ng mga detalye kung saan sila pupunta o kung aalis man ang mga ito dahil posible aniya itong samantalahin ng mga masasama at mapagsamantalang loob.

 

 

Kung maalala, una nang sinabi ng Col. Fajardo sa Bombo Radyo Philippines na tulad sa nakalipas na paggunita sa araw ng mga patay ay magpapatupad din ang pambansang pulisya ng maagang deployment ng mga pulis partikular na sa mga areas of convergence kung saan tinatayang nasa 85% ng kabuuang pwersa nito ang idedeployment upang masiguro na hindi makakalusot ang mga mapagsamantalang loob na nagbabalak na gumawa ng masasamang gawain.

Other News
  • DOTr, NLEX lumagda sa kasunduan tungkol sa PNR Clark 2

    Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) at NLEX Corp. sa isang kasunduan upang masiguro ang tuloy-tuloy na construction ng PNR Clark Phase 2 (Malolos-Clark) project.     Sa nasabing kasunduan, napapaloob at nasasaad dito ay ang paghahanda sa mga coordinated designs, traffic management, safety at security plans na kailangan upang masiguro na ang construction ng […]

  • Leody de Guzman, Sen. Sotto, nag-concede na

    NAGPAHAYAG na ng pagtanggap sa pagkatalo sa halalan si labor leader Leody de Guzman.     Aminado itong naging mabigat ang hamon ng halalan, ngunit kanila itong pinagsikapang kayanin.     Nagpasalamat naman siya sa mga tagasuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatanggol sa sektor ng mga manggagawa.     Samantala, nag-concede na rin si vice […]

  • Pag-deliver ng COVID vaccines sa buong mundo, ‘mission of the century’ –

    Malaking problema raw ang kakaharapin ng mga bansa sa buong mundo kung sakaling magsimula na ang paghahatid sa mga nadiskubreng mga bakuna laban sa coronavirus.   Ayon sa International Air Transport Association (IATA) malaking problema ang kakaharapin ng airline industry dahil sa kanilang pagtaya aabot sa 8,000 mga dambuhalang Boeing 747s ang kakailanganin.   Bagamat […]