Pag-deliver ng COVID vaccines sa buong mundo, ‘mission of the century’ –
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
Malaking problema raw ang kakaharapin ng mga bansa sa buong mundo kung sakaling magsimula na ang paghahatid sa mga nadiskubreng mga bakuna laban sa coronavirus.
Ayon sa International Air Transport Association (IATA) malaking problema ang kakaharapin ng airline industry dahil sa kanilang pagtaya aabot sa 8,000 mga dambuhalang Boeing 747s ang kakailanganin.
Bagamat wala pang aprubado na COVID-19 vaccine, ngayon pa lamang naghahanda na ang international air transport kung papaano isasagawa ang paghahatid ng mga eroplano, paghahanda sa mga airports para sa tinaguriang “global airlift plan.”
Tinawag ng chief executive ng organisasyon na si Alexandre de Juniac ang gagawing ito bilang “mission of the century.”
Ito kasi ang mangyayari sa global air cargo industry bunsod na mag-aagawan ang mga bansa sa buong mundo para sa mauunang delivery ng bakuna laban sa deadly virus.
Una nang iniulat ng WHO na halos 200 mga nadikubre na COVID vaccines ang sumasailalim ngayon sa mga pagsusuri sa maraming mga bansa bago pumasa bilang bakuna.
-
UAAP sa apela ni Aldin Ayo: Status quo!
Wala pang balak ang UAAP Board na talakayin ang apela ni dating University of Santo Tomas (UST) Aldin Ayo sa kanyang indefinite ban. Ito ay dahil hinihintay pa ng liga ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng CHED, DOJ at DILG na siyang magbibigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF). “Out of prudence, […]
-
Malakanyang, niresbakan ang patutsada ng isang numero unong kritiko ni PDu30
BINUWELTAHAN ng Malakanyang ang malisyosong puna ng numero unong kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang sandaling puntahan ng huli ang isang mall, araw ng Sabado. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-sidetrip lang ang Pangulo sa isang mall kasama si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go matapos na maghain ng kanyang Certificate of […]
-
Ads December 18, 2020