• September 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Non-uniformed policemen, ipapakalat ng Philippine National Police para sa papalapit na holiday season

NAKATAKDANG  magpakalat ng non-uniformed policemen ang Philippine National Police sa mga matataong lugar tulad ng divisoria, tiangge, plaza at iba pa bilang bahagi ng pagpapanatili sa seguridad lalo na ngayong papalapit na ang holiday season.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito ay bukod pa sa itatalagang kapulisan sa mga police assistance desk sa iba’t ibang lugar.

 

 

Aniya, ang naturang non-uniformed policemen na ipapakalat ng pambansang pulisya ay mga pulis na nakasuot ng civilian na ihahalo sa mga tao para mag-obserba sakaling mayroon mang mamataang mga indibidwal may kakaibang ikinikilos.

 

 

Ang mga ito aniya ang magrereport ng mga insidente sa mga unipormadong mga pulis upang agad itong maaksyunan at upang hindi na rin aniya mabuking ang mga intel operative na ipinakalat ng pulisya.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay muli ring nagbigay babala sa publiko si Fajardo hinggil naman sa naglipanang mga modus ng mapagsamantalang loob ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

 

 

Aniya, dapat na mas mag-ingat ngayon ang publiko dahil sa inaasahang mas maraming mananamantalang manloloko at magnanakaw ngayon lalo na’t ito ang panahon ng bigayan ng christmas bonus ng mga empleyado.

 

 

Kabilang sa mga modus na dapat bantayan ay ang mga naglipanang fake money modus, palit-pera modus, basag-kotse modus, at marami pang iba.

 

 

Dahil dito ay muling nagpaalala ang tagapagsalita ng pambansang pulisya sa palaging pagiging mapagmatyag, at gayundin ang pag-iwas sa pagsasapubliko ng mga detalye kung saan sila pupunta o kung aalis man ang mga ito dahil posible aniya itong samantalahin ng mga masasama at mapagsamantalang loob.

 

 

Kung maalala, una nang sinabi ng Col. Fajardo sa Bombo Radyo Philippines na tulad sa nakalipas na paggunita sa araw ng mga patay ay magpapatupad din ang pambansang pulisya ng maagang deployment ng mga pulis partikular na sa mga areas of convergence kung saan tinatayang nasa 85% ng kabuuang pwersa nito ang idedeployment upang masiguro na hindi makakalusot ang mga mapagsamantalang loob na nagbabalak na gumawa ng masasamang gawain.

Other News
  • Bukod sa tuluy-tuloy na ang pagti-taping nila ni Bea: ALDEN, happy na maraming makapapanood ng serye nila at tuloy ang US concert tour

    TULUY-TULOY na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pagti-taping ng first teleserye nila ni Bea Alonzo sa GMA Network, ang Philippine adaptation ng Korean drama series na Start-Up na malapit-lapit na ring mapanood.     Happy rin ngayon si Alden na nagsimula nang mapanood sa Netflix ang The World Between Us, ang drama series […]

  • Magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert: BEA at JERICHO, parehong excited na makatrabaho ang mga beterano sa teatro

    KAPWA magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert’ sina Bea Alonzo at Jericho Rosales.      Sa May 6 na ito at magaganap ito sa Metropolitan Theater sa Lawton, Manila.     On Instagram, nag-share sina Echo at Bea ng kanilang excitement na makakatrabaho nila ang mga veteran theater performers sa ‘Ang Larawan: The Concert.’   […]

  • EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games

    LUBOS  ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium.     Napili kasi ang world […]