Nonito Donaire Jr. laban kay Jason Moloney, ikakasa na
- Published on February 1, 2023
- by @peoplesbalita
PATUTUNAYAN ni 40-year old Nonito Donaire, Jr. na hindi pa siya laos sa pakikipagbasagan ng mukha sa nakatakda nitong pagsubok makasungkit muli ng world boxing title.
Inutusan ng World Boxing Council (WBC) na lumaban muli ang veteran boxer na si Nonito sa pro boxing, na naging kampeon na sa apat na weight division.
Tatapatan ni Donaire si Jason Moloney para sa bakanteng bantamweight title.
Inaasahan ang magkabilang kampo na sumagot kung kakagat ba sila sa nasabing laban hanggang Pebrero 17.
Naging posible ang matchup na Donaire kontra Moloney matapos ang pag-anunsyo ni Naoya Inoue na ibankante ang unified belt para makaakyat sa junior featherweight category.
Sina Moloney at Donaire ang naging numero unong choice ng WBC dahil sila ang mga bantamweight contender.
Magugunitang huling lumaban ang Talibon-pride boxer na si Donaire noong Hunyo 7, 2022 kung saan bumagsak siya kay Japanese monster Inoue para sa ikalawang pagkakataon.
Samantala, si Moloney naman ay may 4-win streak matapos kumuha ng panalo kamakailan naman kontra Nawaphon Kaikanha. (CARD)
-
Doncic pumuntos ng 53 points laban sa Pistons
Umiskor si Luka Doncic ng 53 puntos sa kanyang pagbabalik sa lineup habang si Spencer Dinwiddie ay umiskor ng 10 sa kanyang 12 sa fourth quarter nang mag-rally ang Dallas Mavericks para talunin ang Detroit Pistons, 111-105, noong Lunes ng gabi (Martes, Manila time). Apat sa limang career 50-point games ni Doncic ang dumating […]
-
PNP chief ipinagbawal na rin ang Christmas party pero may cash gifts sa mga police personnel
WALA nang Christmas Party sa Philippine National Police (PNP). Ito ang binigyang-diin ni PNP chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan kasunod ng hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompaniya na wala munang Christmas party upang makaiwas sa COVID-19. Sinabi ni Cascolan, maiintidihan naman ito ng mga police personnel kung wala munang […]
-
Warriors pasok na sa NBA Finals matapos idispatsa ang Mavericks sa serye, 4-1
BALIK na muli sa NBA Finals ang Golden State Warriors matapos na talunin kanina sa Game 5 ng Western Conference finals ang Dallas Mavericks sa score na 120-110. Tinapos ng Warriors ang best-of-seven series sa 4-1 record. Makakaharap ng Warriors sa Finals ang magwawagi naman sa pagitan ng Boston Celtics at […]