NORA, kinilala ng ‘Komisyon sa Wikang Filipino’ ang kontribusyon sa mga pelikulang Pinoy
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
PATULOY sa pagtanggap ng awards ang ating mahal na Superstar na si Ms. Nora Aunor.
Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kontribusyon ni Nora Aunor sa mga pelikulang Pinoy at pinarangalan ito bilang Kampeon ng Wika para sa taong 2021 ngayong Martes.
“Masaya po akong tinatanggap ang karangalang ito bilang Kampeon ng Wikang Filipino sa taong ito ng Komisyon sa Wikang Filipino. Bagama’t isang Bikolana, naniniwala akong kailangan pa nating palakasin at pasiglahin ang wikang nagbibigay sa atin, at natutuwa akong makita ng KWF ang munti kong kontribusyon sa pamamagitan ng aking mga awit at pelikula,” saad sa pinadalang mensahe ni Nora.
“Ipinapangako ko pong magpapatuloy ang inyong lingkod sa pagsusulong ng ating mga wika sa Pilipinas. At sa mga magulang, sana po patuloy ninyong turuan na mahalin ng ating kabataan ang ating sariling wika,” dugtong pa ng batikang aktres.
Bukod sa aktres, tumanggap din ng parehong parangal ang organisasyong Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino.
Ang Kampeon ng Wika ay taunang iginagawad ng KWF sa mga indibidwal, institusyon, o organisasyon na aktibo sa pagpapalaganap at pagpepreserba ng wikang Filipino at iba pang dayalekto sa Pilipinas sa kanilang industriyang kinapapalooban.
***
DALAWANG malaking showbiz event ang naganap last Tuesday, November 9.
Winelcome ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment si Megastar Sharon Cuneta bilang guest star sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Over at the Kapuso network, pumirma naman ng kontrata sa GMA 7 ang award-winning actor at dating Kapamilya na si John Lloyd Cruz para sa isang sitcom na kanyang gagawin.
First time ni Lloydie na gagawa ng show sa GMA dahil ever since ay ABS-CBN contract star ang binata. Bagets pa si Lloydie when he did Tabing-Ilog for the Kapamilya and later on was paired with Bea Alonzo sa mga TV shows at movies.
Unang sabak naman ni Sharon sa teleserye ang pagpasok niya sa action-drama show ni Coco Martin which is celebrating its 6th anniversary. Ang pag-guest ni Sharon sa teleserye ay katuparan ng pangarap ng mga Sharonians at maging ng Megastar na finally ay maging bahagi siya ng isang teleserye.
She couldn’t have made a better choice than be part of FPJ’sAP dahil ito ay isa sa pinaka-popular na programa sa ABS-CBN.
Kahit na walang franchise sa ngayon ang network at nag-migrate sila sa online platform, patuloy na mataas ang viewership ng programa ni Coco.
Tiyak na mas lalong darami ang manonood sa FPJAP dahil for sure ay tututukan ito ng mga Sharonians who are delighted na gagawa na rin ng teleserye ang kanilang Mega idol.
Since matagal na rin naman walang TV show si Lloydie, much-awaited din ang kanyang acting comeback sa GMA via a sitcom.
(RICKY CALDERON)
-
Dahil sa pag-arte at pagi-gaming: ALDEN, natatakasan ang mga stress ng buhay
PARA kay Alden Richards, ang acting o pag-arte sa harap ng kamera “is an escape” mula sa mga stress ng buhay. Ano ba ang mga stress ni Alden sa kanyang buhay? “Minsan kasi, of course tayo tao lang, dun nga po pumapasok yung, ‘Tao lang tayo,’ kahit gaano mo katagal i-shield yung sarili […]
-
Ads January 29, 2021
-
100 BSKE candidates, diniskuwalipika ng Comelec
TINATAYANG 100 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (BSKE) dahil sa iba’t ibang mga bayolasyon. Kasabay nito, inihayag din ng Comelec ang pagpapasa ng resolusyon na nagsususpinde sa proklamasyon ng 500 BSKE candidates kung magwawagi sa halalan. Ito ay dahil sa mga nakabinbin nilang kaso […]