NORA, masayang-masaya dahil sinorpresa ng mga anak at mga apo maliban kay LOTLOT
- Published on January 10, 2022
- by @peoplesbalita
EXCITED na ang mga fans ni Jo Berry sa muli niyang pagbabalik, sa pamamagitan ng bagong GMA Afternoon Prime series na Little Princess.
Muli, title-roler si Jo, tulad ng una niyang serye sa Kapuso Network na Onanay na naging anak niya sina Mikee Quintos at Kate Valdez.
Dalawa ang naging leading men niya rito, sina Wendell Ramos at Luis Alandy.
O laban kayo?
Sa Little Princess ay dalawa muli ang leading men ni Jo, sina Rodjun Cruz at Juancho Trivino. This time, sa story, ay lumaking ulila sa ama si Princess Montivano, a little person with the biggest dreams.
Gagawin niya ang lahat para maiahon niya ang kanyang pamilya sa husay niya sa online game na Magic Legends para sumikat at kumita ng malaking pera.
Makilala kaya ni Princess ang tunay niyang ama na isa palang milyonaryo at may-ari ng big businesses? Dito na ba magbabago ang buhay ni Princess?
Makakasama ni Jo sina Jestoni Alarcon at Angelika dela Cruz, ang tunay niyang mga magulang, Geneva Cruz, Jenine Desiderio, Therese Malvar, Chuckie Dreyfus at marami pang iba.
World premiere ngayong hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA-7.
***
MASAYANG-MASAYA at labis ang pasasalamat ni Superstar Nora Aunor nang bago natapos ang Christmas season ay sinorpresa siya ng kanyang mga anak at mga apo.
Last January 8, dumating sa bahay ni Ate Guy, ang anak na si Ian de Leon kasama ang mga kapatid na sina Matet, Kenneth at Kiko de Leon, kasama ng mga ito ang kani-kanilang asawa at mga anak. Nalubos ang tuwa ni Ate Guy na nayakap na niya ang kanyang mga apo.
Kaya si ate Guy, sa tuwa ay nagpa-games at namigay ng premyo. Gustung-gusto raw niya na sinunod siya ng mga apo na “Mama Guy” ang itawag sa kanya at hindi Lola Guy.
Si Lotlot de Leon at mga anak nito lamang ang wala at nang tanungin si Ate Guy, sagot lamang nito ay ‘bahala na ang nasa Itaas.’
Siguradong wish din ni Ate Guy ay nakasamang dumating ng mga anak at mga apo niya si Lotlot at ang mga anak nito.
***
CONGRATULATIONS sa mga newly-weds na sina Kapuso actor Kevin Santos at Raphee delos Reyes.
Si Kevin ay produko ng StarStruck ng GMA Network, pero ngayon bukod sa pagiging actor ay isa na rin siyang licensed pilot, samantalang isang nurse naman si Raphee working in a hospital sa Sydney, Australia.
Kinasal sila noong January 5 at dahil sa pandemic ngayon, limitado ang number of guests nila. Napasabay kasi muli sa paghihigpit ng health protocols ang wedding nila kaya napilitan silang magbawas ng mga guests.
Kabilang si Kevin sa cast ng comedy show na Daddy’s Gurl sa GMA-7 at hindi nga raw niya naimbita ang mga kasama sa show, maliban sa mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa, hindi na niya naimbita si Vic Sotto dahil ayaw rin nitong lumabas ng bahay.
Kinailangan na ring bumalik ni Raphee sa Sydney dahil sa work niya, kaya LDR (long distance relationship) muna sila ngayon ni Kevin.
Pag-uusapan pa raw nila kung iiwanan na ni Kevin ang showbiz at ituloy na lamang ang pagiging pilot niya at doon na sila mag-stay sa Australia, o si Raphee ang uuwi ng Pilipinas at dito na mag-stay para magkasama sila.
(NORA V. CALDERON)
-
Five Nights At Freddy’s PG-13 Rating Explained: Violence, Blood, & Language
CO-WRITER/DIRECTOR Emma Tammi explains why the Five Nights at Freddy’s movie didn’t aim for an R-rating, Despite being comprised of a host of murderous animatronics. Anticipation is high for the adaptation of the hit horror video game franchise, which put players in the shoes of a night security guard at the eponymous family […]
-
MRT 3 pinabilis ng hanggang 50 kph
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na pinabilis na ang andar ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) hangganag 50 kilometer per hour na siyang kauna-unahang pangkakataon sa loob ng anim (6) na taon. “The increase has reduced the time between trains to four to five minutes for 20 trains at 50 kph, from […]
-
Oktoberfest sa Valenzuela City
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng 400th Founding Anniversary ng Valenzuela City, opisyal na binuksan sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony at ceremonial toast sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at mga representative mula sa San Miguel Brewery Inc ang unang Oktoberfest na ginanap sa C.J. Santos St., Brgy. Malinta, Valenzuela City kung […]