NORA, nagdesisyon na tumakbo bilang representative ng ‘NORA A’ Party-list
- Published on October 9, 2021
- by @peoplesbalita
SALUDO kami sa desisyon ni Willie Revillame na huwag patulan ang udyok na kumandidatong Senador.
At least, aware ang TV host na hindi kaya ang trabaho ng isang senador dahil wala naman siyang experience sa paggawa ng batas.
Mas pinili ni Kuya Willie na manatili sa kanyang programang Wowowin at patuloy na bigyan ng entertainment ang kanyang mga fans.
Mabuti naman at naisip ni Kuya Willie na ang kawalan niya ng expertise sa paggawa ng batas ay isang balakid para sa isang mahusay na performance.
Pwede siyang manalo because Kuya Willie is very popular pero ano naman ang gagawin niya sa Senado kung wala naman siyang preparasyon para maging senador?
Hindi naman alam kung itutuloy nga talaga ni Robin Padilla ang pagtakbo sa senado pero sana ay huwag na lang.
Wala naman siyang experience in crafting laws at kahit minsan ay ‘di pa siya nanalo sa isang elective position. Tumakbo na siya noon pero he lost. Sana ay naging lesson na iyon sa kanya.
Maraming mga artista na gustong tumakbo pero sana before they do ay pag-isipan muna nilang mabuti if they are qualified for the job.
***
MAHAL namin si Nora Aunor or Ate Guy as she is fondly called pero hindi kami sang-ayon sa kanyang decision na tumakbo na party list representative.
Hindi namin alam kung paano nakumbinsi si Ate Guy na tumakbong party list representative pero hindi kami kumbinsido na dapat pa siyang pumasok sa politika.
Wala naman siyang dapat patunayan. At saka pwede naman siyang makatulong in her own little way kahit na di siya pumasok sa politics.
Si Ate Guy raw mismo ang may gusto na tumakbo.
Sana ay hindi nagkamali si Ate Guy sa kanyang desisyon. Tatakbo si Ate Guy bilang party list representative ng ‘NORA A – National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.’
Gusto raw ni Ate Guy na makatulong sa performing arts group, senior citizens, labor Groups, mga kabataan, mga miyembro ng LGBTQ, mga magsasaka, at mga manggagawa sa showbiz, gayundin sa members ng entertainment media.
(RICKY CALDERON)
-
3 binitbit sa buy bust sa Malabon, P53K shabu, nasamsam
KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong bagong indentified drug personalities matapos mabitag sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Gilbert Habana, 36 ng Daang Bangko Angeles Street, Brgy San Roque Navotas City; John Ezekeil Noga, […]
-
Nagmarka ang panalo ni Pringle kay Wright
Naging rekord bilang pinakamahigpitang labanan ang panalo ni Stanley Wayne Pringle, Jr. ng Barangay Ginebra San Miguel sa Best Player of the Conference nang kadaraos na Online 45th Philippine Basketball Association (PBA) Special Awards Night. Tinalo ng 33 taong-gulang na 6-1 ang taas na Filipino-American combo guard ng Gin Kings si Fil-Canadian Matthew […]
-
Ads February 3, 2023