North-South rail contract packages, nilagdaan
- Published on April 29, 2023
- by @peoplesbalita
NILAGDAAN noong Friday ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at Asian Development Bank (ADB) ang contract packages ng south commuter section ng North-South Commuter Railway System kung saan naging witness si President Ferdinand Marcos.
Sa kanyang speech, nangako si Marcos na sisiguraduhin ng pamahalaan na magkakaron ng consistency sa mga polisia at maayos na business environment ang bansa para mahikayat ang mga investors. Sinabi niya na ipagpapatuloy niya ang accomplishments ng kanyang predecessors sapagkat ayon sa kanya ang mga investors ay naghahanap ng consistency sa pagpapatupad ng mga polisia at programa ng pamahalaan.
“Building on these strategic and progressive accomplishments, this administration shall commit consistency of policy and program implementation,” wika ni Marcos
Ang North-South Commuter Railway System ay may tatlong (3) segments. Ang mga ito ay ang Malolos-Clark, Tutuban-Malolos at Solis-Calamba. Ito ay dadaan sa mga probinsiya ng Tarlac, Pampanga, Bulacan at Laguna.
Inaasahang mabibigyan ng magandang serbisyo ang sasakay na 800,000 na pasahero kada araw at mababawasan ang travel time mula Clark papuntang Calamba. Magiging isang oras at 45 minuto na lamang ang travel time mula sa dating apat na oras.
Nilagdaan ang contract packages S-02 at S-03 ng rail system’s South Commuter Railway Project. Ang Package S-02 ay may 7.9 kilometro na railway viaduct structure kasama ang elevated na estasyon sa Espana, Sta. Mesa at Paco. Ang proyekto ay binigay sa joint venture ng Acciona Construction Philippines Inc. at D.M. Consunji Inc. na may kabuohang kongtrata na nagkakahalaga ng P28.3 billion.
Sa Package S-02, kasama ang tunnel at building works na may habang 6.1 kilometrong railway at may underground railway at 1.4 kilometro at-grade railway. Kasama rin ang pagtatayo ng estasyon ng Food Terminal at tunneling works na magdudugtong sa estasyon ng Senate ng Metro Manila Subway Project.
Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P23.92 billion at na award sa joint venture ng Leighton Contractors (Asia) Limited and First Balfour Inc. Inaasahang sisimulan ang konstruksyon sa darating na fourth quarter ngayon taon.
Dagdag ni Marcos na ang paglagda sa kontrata ay magbibigay daan sa pagsisimula ng konstruksyon in full-swing sa South Commuter Section at lahat ng bahagi ng North-South Commuter Railway System.
Ang nasabing kontrata ay kasama rin ang 14 kilometro ng South Commuter Railway Project na dadaan sa Metro Manila. Ito ay magdudugtong sa Manila hanggang Laguna at tatamaan rin ang southern leg ng railway system.
“As the civil works for these contract packages commence, we expect not only the generation of more than 2,000 jobs, but also the creation of other opportunities and livelihood during its construction. Most importantly, the completion of the full NSCR line will bring greater convenience for our commuters. It will offer an efficient and comfortable transport alternative that spans great distance, connecting Pampanga to Manila and then to Laguna,” dagdag ni Marcos.
Makakatulong din ang nasabing rail system upang madecongest ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila kung saan makapagbibigay ng mas mabilis na travel time sa mga pasahero.
Magdudulot din ito upang mas maging malago at mayabong ang economic activities sa mga interconnected na rehiyon at sa lahat ng lugar malapit dito. Maisusulong din ang environmental sustainability at public health.
Pinasalamatan ni Marcos ang Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency (JICA) sa pagbibigay ng pondo sa nasabing proyekto kung saan sinabi ni Marcos na ang mga ito ay active at consistent partners ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga infrastructure development sa loob ng madaming taon. LASACMAR
-
Yulo pasok sa finals ng men’s vault sa Tokyo Olympics
Hindi pa tapos ang laban para sa lone world champion gymnast ng Pilipinas na si Carlos Yulo kahit pa bigo siyang makakuha ng final spot sa floor exercise event. Pasok pa rin kasi si Yulo sa finals sa men’s vault event ng men’s artistic gymnastics. Ito ay kasunod na rin ng […]
-
Sunod na BIR chief ‘kokolektahin pa rin’ estate tax ng Marcoses
NANGAKO ang susunod na commissioner ng Bureau of Internal Revenue na kokolektahin pa rin nila ang tinatayang P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos na hindi pa rin bayad kahit sa ilalim ng administrasyon ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. — aniya, kailangan nilang maging “good example.” Ito ang banggit ni Lilia Guillermo sa […]
-
HEART, magtatagal sa Los Angeles para sa isang secret project at art project nila ni BRANDON BOYD
KASALUKUYANG nagla-lock-in taping ngayon si Heart Evangelista para sa GMA primetime series niyang I Left My Heart in Sorsorgon. Puro Manila scenes na raw ang kinukuhanan nila kaya sabi ni Heart, matatagalan daw siguro baka siya makabalik muli ng Sorsogon. Sa Instagram Live ni Heart, nabanggit niya na after pala ng […]