• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NTC: Higit 11.2 milyong SIM card nairehistro na

UMAABOT na sa mahigit 11.2 milyon ang mga SIM cards na nairehistro sa bansa.

 

 

 

Batay sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) kahapon, nabatid na hanggang nitong Enero 2, 2023, kabuuang 11,219,722 SIM cards na ang nairehistro.

 

 

 

Kabilang dito ang 1,017,012 ng DITO Telecommunity; 5,030,649 ng Globe Telecom; at 5,172,061 ng Smart Communications.

 

 

 

Ang SIM registration ay sinimulan noong Disyembre 27, 2022 lamang, kasunod nang pagiging epektibo na ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11934 o SIM Registration Act.

 

 

 

Mayroon namang 180 araw ang mga SIM users na irehistro ang kanilang mga ginagamit na SIM card upang makaiwas sa deactivation.

 

 

 

Ang mga bagong SIM card naman ay kailangan munang irehistro bago magamit ang mga ito.

Other News
  • Bagong Pilipinas rally, hindi gagamitin para isulong ang Chacha -PCO

    PINABULAANAN ng mga opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi gagamitin ang Bagong Pilipinas campaign kickoff rally, bukas, Enero 28 para itulak ang Charter change (Cha-cha).     “Definitely not. This is an activity by the Executive Department for the covenant of Bagong Pilipinas. This is the Executive Department’s way of showing its commitment […]

  • Paggamit ng ‘super app’ ng gobyerno, makababawas sa korapsyon

    UMAASA  si  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mababawasan ang korapsyon sa paggamit ng  “e-Gov PH Super App” kung saan pagsama-samahin ang lahat ng government online services sa isang  plataporma.     Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ng super app ng gobyerno sa President Hall sa loob ng Palasyo ng Malakanyang.     Ipinaliwanag ng […]

  • UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card

    PAPALITAN na ang re­gular UMID card na gina­gamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos maki­pagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards.     Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, […]