Nuezca, sibak na sa serbisyo sa PNP
- Published on January 12, 2021
- by @peoplesbalita
Sibak na sa serbisyo at itinuturing nang sibilyan si Police SMSgt. Jonel Nuezca, isang pulis na isinisangkot sa pagpatay ng ilang sibilyan matapos ang alitan sa “boga” at “right of way,” ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), ika-11 ng Enero. Ito ang kinumpirma ni PNP spokeseperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana .
“[Chief PNP Debold Sinas] has just announced it following the approval of RD, NCRPO on the dismissal [from service] of PSSgt Nuesca which is [effective] today po,” paliwanag ni Usana ngayong araw.
“He is now considered ex-PSsgt po, a civilian.”
Naghain naman ng “not guilty” plea si Nuezca kahapon kahit kita sa video ang pagbaril niya sa ulo ng ‘di armadong magnanay sa Paniqui, Tarlac nitong Disyembre.
Inilabas ni Sinas ang desisyon matapos unang hamunin mag-resign ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kung hindi aniya marereporma ang PNP, bagay na humaharap sa batikos dahil sa brutal na pamamaslang ng mga alagad ng batas sa mga taong dapat nilang pinoprotektahan.
Kasalukuyang nililitis ng korte si Nuezca para sa kasong double murder, ngunit itinatanggi pa ring may kasalanan sa nangyaring pagpatay kahit rinig na rinig sa mga viral videos ang kanyang pag-usal ng mga sumusunod na salita: “Putangina, gusto mo tapusin na kita ngayon?” bagay na kanyang sinabi bago kalabitin ang gatilyo.
Kinundena na ng mga human rights groups at ilang media personalities ang naturang pagpaslang, na siyang isinalarawan ng ilan na “sobra-sobrang” aksyon ng mga alagad ng batas.
Ilang mambabatas sa ngayon gaya nina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang nananawagan na maibalik na ang parusang bitay para sa mga karumal-dumal na krimen kasunod ng malagim na insidente. (Gene Adsuara)
-
NCR may ‘community transmission’ na ng Delta variant
May nagaganap nang ‘community transmission’ ng Delta variant sa National Capital Region (NCR) base sa mga bagong datos, ayon sa OCTA Research. “We understand ang Department of Health, sila ang official body, kino-confirm nila ito through genome sequencing. We’re an independent group, (and) we can say based on statistics, based on sampling, yung […]
-
P2-M HALAGA NG MARIJUNA HULI NG QCPD MULA SA DALAWANG TULAK
HULI ng Quezon City police District (QCPD) Station -4 Novaliches ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Bag-bag Novaliches Q.C. Kinilala nina QCPD Chief B.Gen. Danilo Macerin at Lt.Col Richard Ang, ang mga suspek na sina Daryl Collera, 24 taong gulang at Murray Comot, 29 taong gulang. Narekober mula sa dalawa ang 20 […]
-
Online scam crackdown, malaking hamon sa mga awtoridad bunsod ng SIM registration-PAOCC
SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na malaking hamon para sa mga awtoridad ng bansa ang sugpuin ang online scams dahil sa SIM Registration Act. Inihayag ito ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz matapos na iulat ng credit rating firm na Moody’s na may Filipino entity at mga tao ang sangkot sa […]