• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Number coding posibleng ibalik na – MMDA

May posibilidad na maibalik na ang ‘number coding scheme’ ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) dahil sa pagsikip na ng trapiko sa halos lahat ng kalsada sa Metro Manila ngayong palapit na ang Pasko at pagsailalim ng rehiyon sa mas maluwag na Alert Level 2.

 

 

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pinag-aaralan na ng ahensya kung paano at kailan ang tamang pagbabalik nito. Tinitignan na maaari itong ipatupad muli tuwing ‘rush hour’ sa umaga at sa hapon kung kailan napakabigat ng trapiko.

 

 

“Kung patuloy na lalala ang trapiko, tinitignan namin na ipatupad ang number coding pero hindi sa buong maghapon,” ayon kay Abalos.

 

 

Posible umano na ipatutupad lamang ito tuwing ‘peak hours’ o mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon at alas-7 ng gabi.

 

 

Sinabi niya na patuloy ang pag-monitor ng MMDA sa sitwasyon sa trapiko sa mga susunod na araw bago gumawa ng desisyon. (Gene Adsuara)

Other News
  • “BLACK ADAM” UNVEILS NEW COMIC CON SNEAK PEEK

    “YOU can be the destroyer of this world, or you can be its savior.”      Check out the Comic Con Sneak Peek of “Black Adam” below and watch the film in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.     YouTube: https://youtu.be/kV17aDgRJ04   Facebook: https://fb.watch/erZKNmi_Cc/   About “Black Adam”     From New Line Cinema, Dwayne […]

  • Huwag hayaan ang dishonesty, pang-aabuso sa trabaho

    PINAALALAHANAN  ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kapulisan na magtrabaho na may integridad at huwag hayaang hindi maging tapat at abusuhin ang paggampan sa kanilang tungkulin.     Pinangunahan ni Pangulong Marcos  ang ika-121 Police Service Anniversary celebration na idinaos sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City.     Sa naging talumpati  ng […]

  • PRIVATE, PUBLIC CEMETERY AT KOLUMBARYO, SARADO SA OCT 29-NOV 3

    UPANG maiwasan ang pagdagsa ng mga dadalaw, isasara ang mga  pribado at pampublikong sementeryo at kolumbaryo sa Maynila simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.     Sa nilagdaang Executive Order No. 33 ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nakasaad na kabilang sa mga isasarang sementeryo ang Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, at Manila Muslim […]