• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Number coding scheme sa MM, nananatiling suspendido

NANANATILING suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila.

 

Ang katuwiran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., nananatiling “manageable” ang trapiko sa metropolis .

 

Ani Abalos, ang limiitadong transportation system na ipinatutupad ng Department of Transportation at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Kalakhang Maynila ay “one-seat apart arrangement” sa mga sasakyan.

 

“Alam naman po natin ang IATF one-seat apart po ang sasakyan ng kotse. Once tanggalin natin ang number coding baka mag siksikan sa isang kotse,” ayon kay Abalos.

 

“Pangalawa, hindi pa po normal ang ating transport system at manageable pa naman po ang ating traffic, except of course for rush hours,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

Tiniyak naman ni Abalos na gagawin ng lahat ng MMDA at maghahanap ng paraan para makatulong na mapagaan ang trapiko lalo na kapag rush hours.

 

Sinabi pa nito na nakapagtala ang MMDA ng improvement o pagbuti sa average speed ng mga sasakyan sa Metro Manila.

 

“Currently, cars average a speed of 24 kilometers per hour which is higher than the average speed of 11 kilometers before the pandemic,” anito.

 

“Car volume however, is lower during the pandemic at 382,000 compared to before the outbreak’s 400,000,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

Matatandaan unang sinuspinde ng MMDA ang number coding scheme noong 2020 “until further notice” dahil sa “limited operations of public transportation in Metro Manila.” (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa sexy image noong nagsisimula pa lang: ARA, may stalker at nakatanggap ng mga ‘indecent proposal’

    HINDI ikinahihiya ng negosyante at vlogger na si Boss Tayo, o Jayson Luzadas, ang kanyang nakaraan na dati siyang pasaway, adik, snatcher, takaw-away at ampon.       Ikinuwento ni Jayson na 13-anyos siya nang malaman niyang ampon siya nang lapitan siya ng isang nagpakilalang kapatid niya habang nakatambay siya sa inuman.       […]

  • Ads August 16, 2022

  • Nakaka-touch ang pinost sa FB at IG: LOTLOT, labis-labis ang pasasalamat sa espesyal na award mula sa ‘The 5th EDDYS’

    DAHIL hindi siya nakadalo sa mismong awards night ng The 5th EDDYS ay sinigurado ni Lotlot de Leon na makapunta sa Christmas Party ng SPEEd (Society of Entertainment Editors) nitong December 1 sa Dapo Restaurant sa Quezon City.     Deadma sa ulan that night ay umapir si Lotlot sa napakasayang party ng SPEEd kung saan […]