Dahil sa sexy image noong nagsisimula pa lang: ARA, may stalker at nakatanggap ng mga ‘indecent proposal’
- Published on January 25, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI ikinahihiya ng negosyante at vlogger na si Boss Tayo, o Jayson Luzadas, ang kanyang nakaraan na dati siyang pasaway, adik, snatcher, takaw-away at ampon.
Ikinuwento ni Jayson na 13-anyos siya nang malaman niyang ampon siya nang lapitan siya ng isang nagpakilalang kapatid niya habang nakatambay siya sa inuman.
“Directly sinabi niya na, ‘Kuya kita.’ Sabi ko sino ka? Sabi niya kapatid kita. Magkakapatid tayo, isa ang nanay natin,” saad ni Jayson.
Aminado si Jayson na nakaapekto sa kanya ang pangyayari at nagrebelde siya lalo pa’t hindi pa niya alam noon ang tama at mali.
Ayon kay Jayson, nalulong siya sa ilegal na droga, nagbebenta ng mga gamit, nangungupit, at natutong magnakaw para matustusan ang kaniyang bisyo. Naging basagulero rin siya at ilang beses na nasaksak, naging snatcher at hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Naghahanap umano siya ng atensyon nang mga panahong iyon na nakita niya sa mga barkada at bisyo.
Pero nagsimula raw ang pagbabago sa kanyang buhay nang magkasakit siya ng dengue na halos ikamatay niya. Kinailangan siyang salinan ng dugo noon.
“After kung mailabas ng ospital sabi ko parang ayoko nang mag-shabu,” kuwento niya.
Kasabay nito, may nag-alok sa kanya na maging delivery boy na umaabot ng gabi ang trabaho. Doon raw siya natutong pahalagahan ang pera. Hanggang sa naging asawa niya si Loves Joy.
Ayon kay Jayson, sinubukan lang niya noon nag-buy and sell business na kilala na ngayon na “Pinoy Pawnstar.” Galing naman daw sa kanilang gold business ang puhunan nito.
***
KINUWENTO ni Ara Mina sa podcast ni Pia Arcangel na nagkaroon siya ng stalker at nakatanggap ng mga “indecent proposal” noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Dahil sa sexy image niya noon kaya mabangong-mabango siya sa mga lalaki.
“I remember nagkaroon lang ako ng stalker. Nagkaroon ako ng mga suitors. I admit na mayroong mga indecent proposal na nakakatakot. Inaway sila ng manager ko, kasi parang feeling nila kaya nilang bilhin lahat.
“Wala pa naman social media nun, so it’s really hard for the guy to connect kung hindi mo talaga ma-mi-meet,” sey ni Ara na lagi raw may bantay noon.
Ngayon ay wala na raw nagtatangkang “bilhin” si Ara dahil happily married ito sa president and CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na si Dave Almarinez.
***
ANG pelikulang ‘Oppenheimer’ ang nanguna sa may pinakamaraming Oscar nominations sa taong ito. Nakuha nito ay 13 nominations.
Nasundan ito ng ‘Poor Things’ (11), ‘Killers of the Flower Moon’ (10) and ‘Barbie’ (8). Ang iba pang kalaban nila for Best Picture ay ‘American Fiction’, ‘Anatomy of a Fall’, ‘The Holdovers’, ‘Maestro’, ‘Past Lives’ and ‘The Zone of Interest’.
In-announce ang official nominees in all 23 categories nila Zazie Beetz and Jack Quaid sa Samuel Goldwyn Theater.
Kabilang sa na-snub ng Oscar voters ay sina Leonardo DiCaprio, Margot Robbie, Greta Gerwig, Barry Keoghan, Rosamund Pike, Alexander Payne, Charles Melton at ang pelikulang The Color Purple.
The 96th Academy Awards will air live on ABC on March 10 from the Dolby Theatre at Ovation Hollywood. Si Jimmy Kimmel ang mag-host ng awards night for the fourth time.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Pinas, hindi pa kayang magpapasok ng karagdagang dayuhan sa bansa
PUMIYOK ang Inter-Agency Task force manage- ment of infectious disease (IATF) na hindi pa kakayanin ng Pilipinas ang magpapasok ng karagdagang dayuhan sa bansa. Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Carlo Nograles, Co- Chairperson ng IATF, sa gitna na rin ng panawagang alisin na ang travel restriction sa mga dayuhang may kasintahang Pilipino. […]
-
FISH PORTER PINAGBABARIL, MALUBHA
AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang fish porter matapos harangin at pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek sa Malabon City. Si Gerald Enrique, 20 of 1st Street, Block 28, Lot 7, Brgy. Tanong ay isinugod ng kanyang his live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito […]
-
Marathon trivia
Lihis po muna ako sa running tips na ilang araw ko tinalakay. Ilang trivia sa marathon sa ating bansa noong dekada 80 ang gusto kong i-share sa inyo dear readers. Alam po ba ninyo ng mga panahong iyon ay wala pang curfew o cutoff time sa mga full-marathon o 42.195-kilometer race? Hindi […]