• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nurse, 1 pa niratrat ng senglot na rider, dedbol

DALAWANG katao, kabilang ang isang nurse ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang senglot na rider matapos sumemplang sa kanyang motorsiklo sa Caloocan City.

 

 

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas “Mark”, 38, ng Merry Homes Subdivision, Brgy.172, Urduja at obrerong si alyas “Willy”, 39, ng Brgy 173 Congress, matapos silang pagbabarilin ng security officer na si alyas “Joel”, 54, ng Badjao St. Saint Dominic, Brgy. 168 Deparo, dakong alas-8:10 ng Linggo ng gabi sa kanto ng Road 17 at Road 6, Lagumbay St., Upper Congress Village, Brgy. 173.

 

 

Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta, sumemplang ang motorsiklong minamaneho ng suspek nang mawalan ng kontrol bunga ng kalasingan kaya’t tinangka siyang tulungan ni ‘Mark’.

 

 

Sa hindi batid na dahilan, na-praning ang suspek na bigla nalang bumunot ng baril at kaagad na pinaputukan ang biktima na duguang humandusay.

 

 

Tinangka namang umawat ni ‘Willy’ subalit, pinagbabaril din siya ng suspek na dahilan ng agaran din niyang pagkamatay.

 

 

Tinangka pang tumakas ng suspek nang makita ang paparating na mga tauhan ng Congressional Police Sub-Station-9 subalit, kaagad namang siyang nadakip ng mga pulis.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .9mm Glock pistol na may magazine habang nakuha sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng naturang kalibre ng baril.

 

 

Iprinisinta na ng araw ng Martes ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings kaugnay sa kasong dalawang bilang na murder na isasampa laban sa kanya. (Richard Mesa)

Other News
  • James Delos Santos may 10 gold medal na ngayong taon

    Mayroon ng 10 gold medal sa e-kata ngayong taon si Filipino karateka James Delos Santos.     Nakuha nito ang ika-sampung medalya ng hindi tinanggap ng mga tournament officials ang video entry ng kaniyang katunggali mula sa South Africa.     Dahil sa hind pumasa ang video ni Cerone Biagoni sa gold medal round ay […]

  • AFP handa nang ilikas mga Pinoy sa Gaza

    NAKAHANDA na ang mga aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling iutos ng pamahalaan ang paglikas o repatriation ng mga Pinoy na naiipit sa gulo ng Israel at Hamas.     Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, gagamitin ang dalawang C130 at isang C295 transport planes para sa mabilis na pagpapauwi sa […]

  • NCR Plus, posibleng bumaba sa GCQ with relaxed restrictions matapos ang Hunyo 15

    MALAKI ang posibilidad na bumaba sa General Community Quarantine (GCQ) with relaxed restrictions ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15.   Ang basehan ani Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang bumubuting situwasyon ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang “low” hospital care utilization rate.   “For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital […]