Nurses, health workers nagbanta ng mass resignation
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbanta ang mga nurses at healthcare workers na magsasagawa ng ‘mass resignation’ kung patuloy na hindi nila matatanggap ang ‘special risk allowance’ mula sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Filipino Nurses United (FNU) president Maristela Abenojar, tototohanin na ng mga nurses partikular sa mga pribadong pagamutan ang banta na mass resignation dahil noong nakaraang taon pa hindi nailalabas ang naturang benepisyo.
Partikular ito sa special risk allowance (SRA) na nakapaloob sa Bayanihan Law para sa mga medical frontliners na P5,000 kada buwan.
Bukod dito, giit rin ng mga private nurses na tulad ng mga nurse sa mga pampublikong pagamutan, mabigyan rin sila ng active hazard duty day (AHDP) na P3,000 kada buwan.
“Under the Bayanihan, only those in the public sector shall receive AHDP. But when they attend to COVID-19 patients, it does not matter if you are from private or government. The risk is the same,” paliwanag pa ni Abenojar.
Sinabi naman ni Alliance of Health Workers (AHW) president Robert Mendoza na may ilan na rin sa kanila ang nag-iisip nang mag-early retirement dahil wala namang sapat na proteksyon na natatanggap sila sa pamahalaan.
Nagbanta siya na babagsak ang healthcare system kapag itinuloy ng mga medical frontliners sa pribadong sektor ang kanilang mga banta.
Tugon naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na unti-unti nang inilalabas ang mga hinihinging mga benepisyo ng pribadong medical workers. (Gene Adsuara)
-
Bukod sa movie nina Vilma, Judy Ann, FranSeth at Julia: ‘Topakk’ ni ARJO, pasok din sa 50th MMFF at palaban sa Best Actor
NOONG Martes, October 22, ini-reveal na ang last five entries na bubuo sa 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa The Podium Hall ng The Podium Hall, Mandaluyong City. Ang first five ay in-announce noong July 16 sa Bulwagang Antonio Villegas ng Manila City Hall, kinabibilangan ito ng And The Breadwinner Is…, The […]
-
Sapat na pondo, available para sa agarang tulong matapos ang bagyong Kristine- DOF
TINIYAK ng Department of Finance (DOF) sa publiko ang ganap na kahandaan ng national government sa pananalapi para suportahan ang ‘relief and rehabilitation efforts’ sa mga lugar na winasak ng bagyong Kristine. Sa katunayan, ayon kay Finance Secretary Ralph G. Recto na may sapat na pondo ang gobyerno para gamitin sa agarang disaster response […]
-
Four years din na ‘di nakagawa ng movie: THERESE, pam-Best Actress na naman ang performance sa ‘Broken Blooms’
FOUR years din palang hindi gumawa ng pelikula ang award-winning actress na si Therese Malvar. Kaya noong inalok sa kanya ang Broken Blooms, tinanggap niya ito agad dahil na-miss daw niyang gumawa ng pelikula. Nataon naman na nakabilang ang Broken Blooms sa Oporto International Film Festival sa Portugal noong nakaraang April […]