• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Nutribun’ feeding program, palalakasin

NAIS  ni Senador Imee Marcos na palakasin ang ‘Nutribun Feeding Program’ sa harap ng mga progra­mang pang-nutrisyon ng gobyerno na umano’y kulang sa sustansya.

 

 

Sinabi ito ni Marcos kasabay ng pagdiriwang nitong nakaraang linggo ng ika-105 kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagsimula ng Nutribun Feeding program noong dekada 70.

 

 

Ayon sa Senador, lalo pang lumalala ang krisis sa pagkain sa buong mundo at dumarami ang bansot na bata. Noong dekada 70 umano ng simulan ng kanyang ama ang programa ay maraming bansot na bata ang lumusog.

 

 

Dahil dito kaya dapat umanong ibalik ang ‘Nutribun Feeding Program’ na solusyon sa problema sa malnutrisyon ng mga bata.

 

 

Nakipagsanib puwersa naman si Marcos sa National Nutrition Council na itinatag ng kanyang ama noong 1974, gayundin sa iba’t ibang mga lokal na pamahalaan, sa mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa bawat munisipyo at sa mga barangay health workers.

 

 

\Bunsod nito kaya umarangkada na ang sabay-sabay na pilot-testing ng Nutribun Feeding Program kahapon sa Rizal, Cebu, at Ilocos Norte, kung saan may 1,000 mga bata na edad tatlo hanggang limang taong gulang sa kada probinsya ang binigyan ng mga pakete ng bantog na tinapay na gawa sa kalabasa, malunggay, at iba pang lokal na masustansyang mga pananim.

 

 

Bukod sa distribusyon ng mas pinasustansyang Nutribun, imo-monitor ng tanggapan ni Marcos at ng lahat ng mga kawani ng gobyernong kaagapay sa feeding program ang mga timbang ng mga bata at kalusugan nila sa loob ng 120 araw. (Daris Jose)

Other News
  • “AQUAMAN AND THE LOST KINGDOM” TO HOLD MIDNIGHT SCREENINGS ON DECEMBER 20

    GET ready to dive into the world of Atlantis once again.    Watch the trailer: https://youtu.be/h1fiesc6opk?si=gLijcqFPzplIhyrb   Jason Momoa is back on the big screen as the titular superhero in “Aquaman and the Lost Kingdom,” directed by James Wan. As an additional treat for fans, the movie will have midnight screenings on December 20 in IMAX […]

  • PLUNDER CASE LABAN sa mga NAGPATUPAD ng NCAP

    ITO ANG  hiling ni Atty. Alex T. Lopez sa Ombudsman ng sampahan niya ng plunder case sila Manila Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso.     Ayon sa demanda ni Atty. Lopez “NCAP of the City of Manila was created via City Ordinance 8676 series of 2020 nang Vice Mayor […]

  • Duterte: Beep Cards ibigay ng libre

    IPINAG-UTOS ni President Duterte sa kanyang mga opisyales na ibigay na lamang ng libre and stored value cards o mas kilalang Beep cards sa mga commuters.   “Give the (Beep) card free,” ito ang kanyang sabi noong nakaraang Lunes ng magkaroon sila ng pagpupulong ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious […]