NVOC, pangangasiwaan ni Health Usec Maria Rosario Vergeire pagpasok ng susunod na administrasyon
- Published on June 23, 2022
- by @peoplesbalita
SI Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang mangangasiwa sa National Vaccination Operations Center (NVOC) sa pagpasok ng administrasyong Marcos.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NVOC chairperson Usec. Myrna Cabotaje na walang dapat ipag -alala ang publiko dahil nasa mabuting kamay sila sa usapin ng vaccination campaign ng pamahalaan.
Ayon pa kay Cabotaje, magtutuloy-tuloy lamang ang pagbabakuna ng pamahalaan sa pangunguna ni Usec Vergeire sa bagong administrasyon.
Kumpiyansa si Cabotaje na magiging matagumpay din ang bakunahan sa bagong administrasyon dahil mas magagaling aniya ang mga taong hahalili sa kanila.
Sa kasalukuyan, hindi na aniya natitigil ang kanilang pagbabakuna hanggang sa natitirang araw nila sa pwesto sa Hunyo 30. (Daris Jose)
-
LRT 2’s “Beshy, birthday mo rin ba?” inilunsad
“BESHY, birthday mo rin ba.” Ganito ang nakalagay sa social media post ng Light Rail Transit Line 2 (LRT2) kung saan ipinahayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayon buwan ng July. Nagbibigay ng […]
-
May Pinoy na sa 11th World Cup sa Belarus sa Agosto 1
TUTUKLASIN ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang magiging pambato para sa $1,892,500 (P94M) 11th International Chess Federation (FIDE) World Cup 2021 sa Minsk, Belarus sa Agosto 1-28. Kaugnay ito sa nakatakdang pagsasagawa ng pederasyon ng National Chess Championship sa mga papasok na buwan o bagong mag-deadline sa pagsusumite ng pangalan sa […]
-
Puntirya ni VP Sara: 100% ng mga kabataang Pinoy, nag-aaral
NANAWAGAN si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga magulang at local government units (LGUs) na tiyakin na 100% ng mga kabataang filipino ay nag-aaral. “Dapat po meron tayong target na paniguraduhin na 100% sa ating mga kabataan ay nag-aaral,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa pagdiriwang ng […]