• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena asam makuha ang 6.0 meters

ANG paglundag sa six meters ang inaasam pa ring makuha ni World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Ito kasi ang laging tina­talon ni World No. 1 at Olympic Games gold me­da­list Armand Duplantis ng Sweden.

 

 

Sa ilang ulit nilang pag­haharap ay isang beses lamang tinalo ni Obiena si Duplantis na nangyari sa Brussels Leg ng Diamond League noong Setyembre 3.

 

 

“The way I approach the game is to win. If I can win with 6 meters then I need to jump 6 meters,” wika ng Southeast Asian Games at Asian record-holder. “For me, it’s really a matter of winning medals.”

 

 

Ang world record na 6.21m ay kasalukuyang ha­wak ng 22-anyos na si Du­plantis na itinala niya sa nakaraang 2022 World Athletics Championships sa Eugene, Oreogn,.

 

 

Sa nasabing torneo inangkin ng 26-anyos na si Obiena ang bronze medal sa kanyang nilundag na 5.94m para sa bago niyang personal best at Asian record.

 

 

Ito ang unang medalya ng Pilipinas sa world championship.

 

 

Tinatapos na ng 6-foot-2 Pinoy pole vaulter ang kanyang three-week vacation sa bansa bago sumalang sa training camp sa Formia, Italy.

 

 

Sa nakaraan niyang out­door season ay anim na gintong medalya ang inangkin ni Obiena sa nilahukang walong torneo.

 

 

Tampok rito ang pagsapaw niya kay Duplantis sa Brussels Leg.

 

 

Plano ng Philippine Olympic Committee (POC) na magdaos ng isang invitational tournament sa Tagaytay City.

 

 

Kumpiyansa si Obie­na na mahihikayat niya si­na Duplantis, World No. 2 Chris Nilsen at 2016 Rio Olympics gold medalist Thiago Braz na sumali sa tor­neo.

Other News
  • Ads July 6, 2022

  • Ads July 27, 2021

  • SUSPEK SA PAGKAMATAY NI DACERA, INIREKOMENDANG SAMPAHAN NG NBI

    INIREREKOMENDA na ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang pagsasampa  ng mga kasong criminal  laban sa mga suspek  sa pagkamatay ng flight attendant  na si Christine Dacera.   Inihain ng NBI ang kasong may kinalaman sa illegal drugs, perjury, obstruction of justice, reckless imrpudence resulting to homicide, falsification of official document by a public officer […]