Obiena handang harapin ang PATAFA sa korte
- Published on January 7, 2022
- by @peoplesbalita
MANILA, Philippines — Imbes na maduwag ay buong tapang na haharapin ni national pole vaulter Ernest John Obiena ang mga ibinatong isyu sa kanya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
Sa isang Facebook post ay sinabi ni Obiena na hahayaan niya ang kanyang legal team na ipagtanggol siya sa mga akusasyon ng PATAFA.
“I am relieved that I now finally know what I am being charged with. From the very start, the PATAFA proceeding had the look and feel of a witch hunt,” ani Obiena. “My legal team can now go about the business of clearing my name and my family’s name. Righteousness always wins in the end.”
Sa rekomendasyon ng Investigative Committee ng PATAFA ay pinasisibak nito kay president Philip Ella Juico ang Southeast Asian Games at Asian record-holder sa national pool.
Ayon sa komite, nagsumite si Obiena ng palsipikadong liquidation documents para sa 61,026.80 euros (P3,661,608) coaching fees ni Ukrainian coach Vitaly Petrov.
Dahil dito ay kasong estafa ang rekomendasyon ng komite na isampa ng PATAFA laban sa 26-an-yos na Tokyo Olympic campaigner.
Bukod kay Obiena ay pinakakasuhan din ng komite kay Juico si Petrov na bumaligtad sa nauna niyang reklamo sa PATAFA ukol sa kabiguan ni Obiena na bayaran siya ng coaching fee.
Kaagad sumaklolo ang Philippine Olympic Committee (POC) kay Obiena at tiniyak na patuloy siyang kakampanya para sa bansa sa mga international competitions.
-
Metro Manila mayors OK single ticketing system
Binigyan na ng go-signal ang final draft ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR) ng Metro Manila Council (MMC) kung saan ang mga Metro Manila mayors ay pumayag ng ipatupad ang programa. “The Metro Manila mayors gave their go-signal for the implementation of the unified ticketing system. There was a […]
-
Jim Davis Talks About Chris Pratt Voicing Garfield in “The Garfield Movie”
Garfield creator Jim Davis admits he was bowled over by Chris Pratt as the voice behind the beloved Monday-hating, lasagna-loving indoor cat in The Garfield Movie. “Chris has great attitude in his voice and incredible timing,” says Davis. “I rate him a ten for funny. And one of the things he does […]
-
Mindanao Week of Peace, ipinagdiwang -Estrella
DAPAT na nilalayon ng bawat Filipino ang pagdiriwang ng “Mindanao Week of Peace”. Sinabi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na “The week-long celebration is a reminder for all Filipinos – regardless of one’s status in life, religion, or culture – should always strive to achieve lasting peace, unity, and harmony.” […]