• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila mayors OK single ticketing system

Binigyan na ng go-signal ang final draft ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR) ng Metro Manila Council (MMC) kung saan ang mga Metro Manila mayors ay pumayag ng ipatupad ang programa.

 

 

 

“The Metro Manila mayors gave their go-signal for the implementation of the unified ticketing system. There was a motion for approval. It was duly seconded and there was no objection,” wika ni MMC chairman at Sa Juan mayor Francis Zamora.

 

 

 

Ang MMC ay siyang policy-making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ito ay binubuo ng mga mayors sa kalakhang Maynila.

 

 

 

Nagkaroon ng pagpupulong ang technical working group ng MMDA, Land Transportation Office (LTO) at MMC noong nakaraang linggo upang ayusin ang mga detalye ng single-ticketing system.

 

 

 

Ayon kay Zamora, ang single-ticketing system ay ipapatupad ngayon taon posibleng sa darating na unang quarter ng taon.

 

 

 

“Under the single ticketing system, traffic violators will pay a standard amount regardless of the location where the traffic violations were committed,” dagdag ni Zamora.

 

 

 

Matapos ang mahabang konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan at sektor ng transportasyon, ang MMA ay mayroon ng final na standards sa mga multa na ipapataw sa mga motoristang mahuhuli.

 

 

 

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagbabayad ng iba’t ibang halaga ng multa na ipinapataw ng mga iba’t ibang LGUs sa kalakhang Maynila at ng MMDA.

 

 

 

Kasama sa mga violations na ilalagay sa single ticketing system ay ang disregarding traffic signs, illegal parking, reckless driving, driving ng walang license, driving ng unregistered vehicle, overspeeding, illegal counterflow, number coding violations at obstruction. Ang hindi pagsusuot ng authorized helmets para sa mga motorcycle riders ay kasama rin sa mga violations.

 

 

 

“The STS will establish uniform and clear guidelines for violations like disregarding traffic signs, illegal parking (attended and unattended), reckless driving, driving without a license, driving an unregistered vehicle, overspeeding, illegal counterflow, number coding violations at obstruction,” saad ni Zamora.

 

 

 

Ang mga drivers’ licenses ay hindi na kailangan pa na konpiskahin dahil ang mga licenses ng mga violators ay lalagyan ng tagging ng LTO at MMDA upang hindi na makapag-renew ng kanilang driver’s license hanggang hindi nila nababayaran ang multang ipinataw. Maaaring bayaran ang mga multa sa pamamagitan ng digital wallets o magbayad sa mga rehistradong center ng LTO’s Land Transportation Management System.

 

 

 

Sa pagpapatupad ng STS, mareresolba rin ang mga issues at problems na tinalakay sa petisyon tungkol sa pagpapatupad ng polisiya sa no-contact apprehension. LASACMAR

Other News
  • 7-milyong deactivated na botante, hinimok ng PPCRV na muling magpadala sa voters registration ng COMELEC

    Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botanteng hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan, lumipat ng tirahan, nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa na muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng Commission on Elections.     Ito ang panawagan ni PPCRV Executive […]

  • Pagpapaliban ng Barangay, SK elections, isinulong

    ISINULONG ng isang bagitong mambabatas ang pagpapaliban ng eleksyon ngayong Disyembre para sa Barangay at Sangguniang Kabataan.     Paliwanag ni Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario na ito ay upang mabigyan pa ng panahon ang mga Pinoy at bansa na maka-recover mula sa impact ng COVID-19 pandemic, maging ng katatapos na national at local […]

  • KAHIT MAY PANDEMYA, ELEKSIYON TULOY

    SA kabila ng pandemya dulot ng COVID-19, itutuloy pa rin ang 2022 presidential polls sa itinakdang petsa.     Ito ang sinabi Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang interview sa radyo.     Tiniyak ng poll chief sa publiko na gaganapin pa rin ang halalan sa May 9,2022 .     Sinabi pa ni Jimenez […]