• October 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena may bagong event

 

HINDI na matutuloy ang World Athletics-sanctioned international pole vault event na itataguyod sana ni two-time Olympian Ernest John Obiena.

 

Nakatakda sana ito sa Setyembre 20 sa Ayala Triangle sa Makati City.

 

Sa halip, nais ni Obiena na gagapin na lamang ito sa susunod na taon.

 

“I am truly sorry for this. I and the organizing team worked tirelessly to make this happen; unfortunately, we encountered a few unexpected hurdles, including my fractured vertebrae,” ani Obiena.

 

Isa sa pangunahing dahilan nito ang pagtatamo ni Obiena ng back injury.

 

Kaya naman minabuti nitong magpahinga na lamang muna sa anumang uri ng kumpetisyon.

 

“The organizing team believes that we won’t be able to adequately deliver the competition to its full potential. I respect their view and expertise as we all want a world class event; thus, we are forced to postpone and plan again,” dagdag ni Obiena.

 

Lalahok sana sa naturang event sina world champion, Olympic champion at world record holder Armand Duplantis ng Sweden gayundin si Paris Olympics silver medalist Sam Kendricks.

 

Bilang kapalit, magkakaroon na lamang si Obiena ng meet and greet sa Setyembre 15 sa Ayala Malls Manila Bay Activity Center.

 

“See you all on the 15th of September at 10am in the Ayala Malls Manila Bay Activity Center,” dagdag ni Obiena.

 

Nagtapos lamang sa ika-apat na puwesto si Obiena sa Paris Olympic matapos magkasya sa 5.92 metro.

Other News
  • Bakuna sa COVID-19 na galing US at Europa, nakakuha ng pinakamataas na confidence rate

    TINATAYANG 75% ang nagsasabing kumpiyansa sila sa bakunang manggagaling sa United States at Europa.   Ito ang naging pahayag ni dating DOH secretary at health expert na si Dra. Esperanza Cabral batay na rin sa survey na isinagawa ng UST COVAX Research Group.   Batay sa inilahad ni Esperanza na survey, lumalabas na wala pa […]

  • Marami ang pumuri pero meron ding ilan na nanglait: Sexy photos ni JULIA suot ang animal print lingerie, pinagpiyestahan ng netizens

    SA latest IG post ni Julia Barretto, pinasilip na niya ang sexy photos na suot ang animal print lingerie para sa latest movie niya sa Vivamax.   Caption niya, “Hello? It’s Candy. I’m coming soon.   “EXPENSIVE CANDY” FULL TRAILER DROPS TOMORROW at 7PM. 🍬” Pinusuan ng mga netizens ang hot na hot photos ni […]

  • James malapit ng malampasan ang record ni Kareem Abdul-Jabbar

    Naging pangalawang manlalaro si LeBron James ngayong Linggo (Lunes sa Manila) sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit 38,000 puntos, kasama si Kareem Abdul-Jabbar sa isang elite club.     Naabot ni James ang milestone sa laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers.     Sumalpak ang  apat na beses na NBA […]