Obispo, nababahala sa pagpasok ng mga Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas
- Published on March 29, 2021
- by @peoplesbalita
Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, nababahala sa pagpasok ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas
Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kaugnay sa presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, nakababahala ang pananatili ng mahigit sa 200 Chinese militia vessels lalo na para sa kapakanan ng mga Filipinong mangingisda na kadalasang tinatakot at sinasaktan sa mismong karagatang sakop ng bansa.
Umaasa naman ang Obispo na tuluyan ng masolusyunan sa mapayapang pamamaraan ang suliranin ng bansa mula sa patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea na malinaw na isang paglabag sa soberenya ng bansa.
“My reaction is medyo nakakabahala [ang presensya ng mga Chinese vessels lalo na para sa mga Filipinong mangingisda] And my message is I hope it will be resolved peacefully [ng walang nagaganap na kaguluhan].” Ang bahagi ng pahayag nii Bishop Mesiona sa panayam sa Radio Veritas.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 220 Chinese militia vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef sa Kalayaan group of Island na pagmamay-ari ng Pilipinas at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Ang pinag-aagawang teritoryo ay saklaw ng 200-nautical miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas batay na rin sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na dinaraan ng tinatayang umaabot sa higit sa 5-trilyong dolyar ang halaga ng kalakal mula sa iba’t ibang bansa kada taon.
Nauna na ring binanggit ni Pope Francis sa harapan ng mahigit 150 lider sa buong mundo ng United Nations ang pagkilala sa karapatan sa pagmamay – ari ng teritoryo lalo na ng mga mahihirap na bansa. (Daris Jose)
-
Pagdeklarang Nat’l Shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila LGU
IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang pagdeklara sa Quiapo Church bilang National Shrine of Jesus Nazareno ay magiging malaking tulong sa matinding debosyon ng mga Katolikong Pilipino partikular na sa mga Manilenyo. Ayon kay Lacuna-Pangan, ang Quiapo Church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay matagal nang iginagalang bilang dambana […]
-
ValTrace magagamit na rin sa Mandaluyong
Magagamit na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa virus ng COVID-19 kung saan nauna na rin itong konektado sa Pasig at Antipolo. Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng […]
-
Opensa Depensa Ni REC Alaska Milk babu na sa PBA
TATAPUSIN na lang ng Alaska Milk ang kasalukuyang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup bago magpaalam sa unang propesyonal na liga ng sport sa Asya sa taong ito. “All good things come to an end,” namamalat na bulalas ni team owner Wilfred Steven ‘Fred’ Uytengsu Jr. sa pinatawag na Zoom press conference […]